Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden at Maine, magsasabog ng kilig sa Imagine You & Me

00 Alam mo na NonieEXCITED na ang maraming AlDub fanatics sa pelikulang Imagine You & Me na tinatampukan nina Alden Richards at Maine Mendoza. Ito’y mula sa APT Entertainment, GMA Films, and M-ZET Television at showing na sa July 13.

Ayon sa direktor nitong si Mike Tuviera, It’s worth the wait. Higit daw na mamahalin ng fans ang Al-Dub love team once mapanood ang pelikulang ito.

Binusising mabuti ang kuwento ng pelikula. Dinala pa ang sensational love team sa matulaing lugar sa Italy na halos ang kabuuan ng movie ay doon ginawa. Kaya naman nang ilabas ang teaser na sinundan ng full trailer ng pelikula sa Eat Bulaga, matindi ang dala nitong kilig, kiliti at kurot sa puso sa bawat eksena nila.

Sa pelikula, si Alden si Andrew na isang brokenhearted na naninirahan sa Italy. OFW naman si Maine bilang si Gara. Hindi naging maganda ang karanasan ni Andrew sa pag-ibig habang si Gara naman ay hopeless romantic na naghahanap ng kanyang magiging Mr. Right. Magkaiba ang mundo at pananaw sa pag-ibig nina Andrew at Gara. Incompatible rin sila sa isa’t isa. May puwang bang magmamahalan ang dalawang taong taliwas ang pananaw sa buhay at pag-ibig?

Damhin ang pag-iibigan nina Andrew at Gara. Makisaya sa mga lambingan nila at maki-iyak sa kalungkutan na nadarama nila.

Dito’y lalong naging close sina Maine at Alden. Nang usisain sila ng press kung sa forever ba mauuwi ang kanilang samahan, ito ang sagot ni Alden: “Anything is possible. We’ll just go with the flow. If we’re bound to last 30, 50, 60 years, then it will happen.”

Ayon naman kay Maine, kung sila talaga ni Alden ang nakatadhana para sa isa’t isa ay mangyayari iyon. “Ganoon din po, lagi kong sinasabi, what’s meant to be will always find its way, nangyayari. Kung marami man po kaming pagdaanan ngayon, kung kami talaga, kami.”

Nasabi rin ni Maine na naniniwala siyang ang kanyang Mr. Right ay darating sa tamang panahon. “Well, ako kasi, hopeless romantic ako. Naniniwala ako na somewhere out there, there is destined for me, na meant to spend my life with. Hindi naman po ako sa naghahanap kasi naniniwala ako na darating naman iyon sa tamang panahon.”

Tapos ay sumingit si Alden na katabi ni Maine at eksaktong nasa right side pa niya. “Hanap ka pa nang hanap, andiyan lang sa tabi mo (si Mr. Right).”

Na-imagine ba ni Maine na posibleng hanggang kasalan ang tuloy nila ni Alden?

“Napapanaginipan ko po, napapanaginipan ko po (na ikinakasal kami),” nakatawang saad ni Maine. Hirit naman ni Alden, “Usually kasi ang panaginip, makahulugan iyan, e.”

Bukod sa AlDub, kasama rin sa casts sina Jasmine Curtis Smith, Cacai Bautista, Cai Cortez, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …