Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tetay, may paglulugaran pa ba sa GMA?

MULA SA isang mapagkakatiwalaang source,  Michael James ang napipisil ni James Yap at ng kanyang partner na si Mikaela para ipangalan sa kanilang magiging supling na isisipot sa Christian world ngayong  July.

Obviously, halaw ang pangalan sa kanilang dalawa na may palayaw na MJ.

Ang tanong: tanggap na kaya ni Kris Aquino na magkakaroon ng kapatid si Bimby? For sure, hindi pa gaanong nagsi-sink in ito sa kamalayan ni Kris.

At maikokonek tuloy ang disgusto ni Kris sa kanyang self-generated publicity para pag-usapan.

Remember na dalawang buwan ding nagbakasyon si Kris, hardly visible on TV pero aktibo naman sa social media?

And since Mikaela’s giving birth to her child by James is forthcoming, natural, ito ang inaabangan ng publiko, bagay na ayaw ni Kris.

Paano na nga naman siya at kanyang anak most specially Bimby, eh, ‘di na-divert ang publisidad kay Baby MJ?

At dahil kailangang paingayin ni Kris ang kanyang pagbabalik, hayun, idinamay pa ang misis ni Dingdong Dantes, ang buong estasyon ng GMA, at maging si Ai Ai las Alas na rati niyang sanggang-dikit.

Nakakita kasi si Kris ng butas na puwedeng pagsuotan, thus creating furor sa kanyang pagge-guest sa show ni Mrs. Dantes.  Ang resulta ay ang mga nagsasalimbayang kongklusyon tungkol sa napipintong paglipat niya sa GMA.

Teka, mukhang this is a remote possibility considering na sina Boy Abunda at Deo Endrinal lang naman ang nasa likod ng career ni Kris. If ever ba’y may malulugaran siya sa GMA, eh, teritoryo na ito ni Ai Ai na kaya nga umalis sa ABS-CBN ay dahil sa kanya?

But Kris is Kris anuman ang panahon at hindi man ang kanyang Kuya Noynoy na ang pangulo ng bansa. Let’s give it to her.

Trip niya ‘yon, so be it.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …