WALANG direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na panagutin ang mga nagkasala sa Disbursement Accelaration Program (DAP) at Priority Development Assistance Funds o PDAF.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre ll, wala siyang natatanggap na utos mula sa Pangulo na imbestigahan ang mga opisyal ng gobyerno na dawit sa PDAF at DAP.
Sinabi ng kalihim, tatanggapin nila kung may maghahain ng reklamo laban sa DAP at PDAF ngunit kailangan muna nilang magsagawa ng preliminary assessment kung sino ang may hurisdiksiyon sa kaso.
Kung may kakasuhan na opisyal ng gobyerno, ang Office of the Ombudsman ang hahawak nito.
”Kasi ang pork barrel, DAP, ‘pag may nag-file sa DoJ then we have to accept it but we have to make a preliminary assessment of this. Alam naman natin this falls under the primary jurisdiction of the Office of the Ombudsman so para hindi na magdoble-doble ng trabaho, these kinds of cases should be directed to the Ombudsman,” ani Aguirre.