PINAPLANTSA na ang pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pinuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang maipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan.
Bukod sa MILF, balak na rin niyang puntahan sa Jolo, Sulu ang pinuno ng Moro National Liberation Front (MNLF) na si Nur Misuri.
Una rito, sinabi ni Duterte, handa siyang bigyan ang mga lider ng safe conduct passes.