MARAMING magagandang pagbabago ang magaganap sa taunang Metro Manila Film Festival this year.
Sa unang tatlong buwan ng taon, binago ng MMFF ang board of directors mula sa private at government sectors para buuin ang executive committee. Bago rin ang criteria para sa mga lalahok na filmmakers.
Batay ito sa kuwento, audience appeal, overall impact (40%), cinematic attributes at technical excellence (40%), global appeal (10%), at Filipino sensibility (10%). Kasabay nito ang paglulunsad ng logo design at theme song contest among Pinoy artists to be chosen by the executive committee na binubuo nina Jimmy Bondoc, Jerrold Tarog and Robert Riveraang pipili ng mananalong piyesa.
Mas malaki at mas interactive din ang inaabangang parada ng mga artista habang ang Gabi ng Parangal ay isang pormal na gala na tatanghalin ang lahat ng mga winner pagkatapos ng buong festival run.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III