HINATULAN ng reclusion perpetua o hanggang 20-taon pagkakakulong ang dating vice mayor at dalawang police officials sa Cavite dahil sa pagdukot at pagpatay sa negosyante at driver noong Hunyo 2008.
Sa desisyon na inilabas ni Judge Eugenio dela Cruz ng Pasay City Regional Trial Court Branch 117, napatunayang guilty si dating Dasmariñas Vice Mayor Victor Carungcong, ang mag-asawang sina Chief Inspector Exequiel Cautiver at Chief Inspector Penelope Cautiver, at sina Mariano “Spider” de Leon at Alejandro Entrolizo.
Sila ay inaresto at kinasuhan dahil sa pagpatay sa retiradong piloto at negosyanteng si Demosthenes Cañete at driver na si Allan Garay.
Bayaw ng biktima ang isa sa mga suspek at lumabas na ang motibo nang pagpatay ay dahil sa awayan sa negosyo.