Thursday , January 9 2025

Duterte sa NPA: Drug lords patayin

HINIKAYAT na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang New People’s Army (NPA) na tumulong sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga.

Una rito, iniutos ni Pangulong Duterte sa PNP at AFP na magtulungan para tugisin ang mga drug lord sa bansa na matagal nang salot sa lipunan.

Sinabi ni Duterte, mas madaling masolusyonan ang problema sa droga kung patayin na lang nila ang mga kilalang drug lord.

Ayon kay Duterte, naniniwala siyang hindi basta papatay ng kung sino-sino ang mga rebelde dahil mayroon silang paraan ng ‘validation’ o pagberipika.

Mainam daw kung sa bukid tapusin ng NPA ang mga drug lord sa kanilang baluwarte kung wala silang ginagawa.

Sa ngayon, nagsimula na ang peace talks sa CPP-NPA-NDF ni Jose Maria Sison at natapos na rin ang exploratory talks sa Oslo, Norway habang ang ilan nilang lider ay nakapuwesto na sa gobyerno.

“Well, nakikinig naman ‘yung mga NPA, nasa puwesto pa naman kayo. Ano kaya ‘yung korte nito,‘yung korte ninyo. Korte ninyo, I don’t know if it’s a kangaroo or otherwise. E, patayin na lang ninyo para mas madaling masolusyonan ang problema natin. Anyway, kung maenkwentro ninyo ‘yan, it’s always a crime… crime committed in your presence. You do not shoot anybody just because you see  them walking, but I know you have this validation. E kung diyan sa bukid, tapusin na ninyo ‘yan mas mabuti wala na rin kayong ginagawa,” ani Pangulong Duterte.

852 DRUG PERSONALITIES SA RIZAL SUMUKO

UMABOT sa 852 drug personalities ang direktang sumuko sa mga opisyal ng Rizal PNP Command, kasabay ng turn-over ceremony kay PNP-PDG Ronald “Bato” Dela Rosa, sa takot na maikahon batay sa pinaigting na kampanya laban sa droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Rizal PNP Provincial Director, Senior Supt. Adriano Enong Jr., sumuko ang mga suspek sa takot na tamaan ng mandato nina Duterte at Dela Rosa na walang sasantohin at lilipulin ang lahat ng salot sa lipunan.

Batay sa rekord ng mga awtoridad, nagpasyang sumuko ang mga suspek makaraan mabatid ang pinalakas na puwersa ng pulisya laban sa mga sangkot sa droga.

Ipinatupad na rin sa lalawigan ng mga awtoridad ang “Oplan Kator” o babala na bawat bahay ng mga nasa listahan ng mga nagbebenta ng droga at mga user ay inaabisohan ng pulisya na tumigil na sa ilegal na gawain.

( ED MORENO )

Sa Western Visayas

622 SANGKOT SA DROGA SUMUKO SA OPLAN TUKHANG

ILOILO CITY – Umabot sa 622 drug personalities ang sumuko sa mga awtoridad sa unang araw nang pagpapatupad ng Oplan TukHang o Tuktok-Hangyo.

Ayon kay Senior Supt. Gilbert Gorero, public information officer ng Police Regional Office 6 (PRO6), 779 drug personalities ang isinailalim sa unang araw ng operasyon.

Sa 622 sumuko, 70 drug users at isang drug pusher dito ang hindi kabilang sa kanilang drugs watchlist.

Kasabay nito, umaasa ang PRO6 na mas marami pang drug personalities ang susuko sa mga awtoridad.

SUMUKONG DRUG PERSONALITIES DARAAN SA PROSESO

DARAAN pa rin sa tamang proseso ang sumusukong drug personalities kasunod nang mahigpit na kampanya ng droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Justice secretary Vitaliano Aguirre ll, kapag sumuko ang pushers kailangan pa rin maimbestigahan.

Aniya, kailangan malaman kung sino ang nagsu-supply sa kanila dahil kapag hindi gagawin iyon ay babalik sila sa dating trabaho.

Binigyang-diin ni Aguirre, sa ilalim ng batas ay hindi pa rin sila lusot sa mga kasong haharapin.

Isa sa pangunahing marching orders ni Pangulong Duterte ang pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot.

Sumukong drug users dumarami

DRUG REHAB CENTER NG DOH TIYAK KUKULANGIN

TIYAK na magkukulang ang bilang ng drug rehabilitation facilities ng Department of Health (DoH) dahil sa pagdami ng drug-users na sumusuko mula nang maupo ang bagong administrasyon.

Sinabi ni Dr. Lyndon Lee-Suy, tagapagsalita ng DoH, noon pa man ay may kahilingan na sila sa gobyerno na magdagdag ng drug rehabilitation facility.

Dagdag ng DoH spokesman, may mga katuwang silang private na drug rehab center para punan ang posibleng paglobo ng mga magpapa-admit na mga gumagamit ng ilegal na droga.

Nilinaw rin niya na hindi libre ang pagpapasailalim ng drug-rehab ngunit katuwang nila ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tulungan ang users na walang kakayahan sa pagpapa-rehab.

About hataw tabloid

Check Also

Ma. Thea Judinelle Casuncad

Miss Laguna wagi bilang Miss Supermodel Worldwide 2024

RATED Rni Rommel Gonzales NAKU Mareng Maricris Valdez, proud kami dahil tulad namin ay taga-Laguna …

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *