NATAGPUANG patay ang isang hindi nakilalang ‘Chinese drug lord’ sa IBP Road kanto ng Road 10, Brgy. 20, Zone 2, District 1, Tondo, Maynila dakong 3 a.m. kamakalawa.
Ayon sa ulat ni Francisco Gaban, barangay tanod, isang lalaking concerned citizen ang nakakita sa hindi nakilalang biktimang 25 hanggang 30-anyos, habang nakadapa at wala nang buhay sa nasabing lugar.
Sa bangkay ng lalaki ay may nakapatong na karton na may nakasulat na katagang “Chinese drug lord ako”.
Ang biktima ay nabatid na may tama ng bala ng baril sa likurang bahagi ng kanyang tainga.
Itinuturing ng pulisya ang insidente bilang summary execution. (JOANA CRUZ/KIMBEE YABUT)