Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

CDO mayor suspendido

 

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinatawan ng tatlong buwan suspensiyon habang pinasasagot sa kasong kriminal ang kontrobersiyal na si Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno, kasama ang dalawa niyang department heads sa Sandiganbayan.

Ito ay sa kabila nang nauna nang dismissal order na ipinataw ng Ombudsman kay Moreno, at kasong administratibo.

Nakitaan ng probable cause ng Ombudsman ang pinasok na lease contract ni Moreno sa isang local contractor para sa Sports Development Program for Professional and Amateur Boxing noong 2013.

Iginiit ng Ombudsman, nilabag ni Moreno, kasama sina City Budget Officer Percy Salazar at City Accountant Beda Joy Elot, ang nakasaad sa Local Government Code na dapat humingi ng pahintulot mula sa City Council bago pasukin ang isang transaksiyon.

Sa paglabas ng P175,000 pondo ng lungsod bilang pambayad sa nirentahang bahay para sa boxers ngunit hindi ito dumaan sa konseho ng lungsod.

Ito ang dahilan nang pagpataw ng tig-tatlong buwan suspensiyon sa kanila habang pinakakasuhan ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …