Monday , December 23 2024
dead gun police

‘Carnapper, drug trafficker todas sa shootout

KORONADAL CITY – Bumagsak na walang buhay ang isang sinasabing notoryos na carnapper at drug trafficker makaraan manlaban sa tropa ng pulisya at Higway Patrol Group sa Gensan Drive, Bo. 2, Koronadal City, sa harap mismo Gaisano Mall kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Francis Rano Patricio, residente ng Sto. Niño, South Cotabato.

Napag-alaman, nirentahan ng suspek ang van na pagmamay-ari ni Alexander Borja, residente ng Brgy. Sto. Niño, Koronadal City, noong Hunyo 26, 2016 ngunit hindi na ibinalik ng suspek.

Ayon sa may-ari ng van, tinatawagan niya si Patricio ngunit hindi na makontak at napag-alamang ginagamit ng suspek ang sasakyan sa pagnanakaw at illegal transaction.

Habang sinabi ni Supt. Barney Condes, hepe ng KCPS, sangkot ang suspek sa serye ng carnapping, robbery, robbery holdup gayondin sa pagtutulak ng ilegal na droga at may pending warrant of arrest sa kasong kriminal na inilabas ni Judge Jordan Reyes.

Nakuha sa sasakyan na minamaneho ng suspek ang isang fragmentation grenade, 357 magnum revolver, homemade cal 5.56mm, live ammunitions at limang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *