Saturday , November 16 2024

4 obrero patay sa aksidente sa Bacolod (14 pa sugatan)

 

BACOLOD CITY – Umabot na sa apat katao ang namatay sa vehicular accident na nangyari sa Circumferential Road, Brgy. Taculing, lungsod ng Bacolod bandang -8:30 am kahapon.

Kinilala ang namatay na construction workers na sina Lito Toyogan, Arman Algabre, Jerwin Hotosmi at Regie Vargas.

Ito ang kinompirma ni Jeser Mansueto, project manager ng DK2 Construction & Consultancy Corporation ng Cebu City, Cebu, pinaglilingkuran ng apat namatay na mga biktima, gayondin ang 14 kasamahan na pawang sugatan at ngayon ay ginagamot sa Corazon Locsin-Montelibano Memorial Regional Hospital.

Ayon kay Mansueto, ipinaalam na nila ang insidente sa pamilya ng 18 biktima na karamihan ay tubong Cebu at ang iba ay taga-Bohol, Dumaguete City, Bais City at Hinigaran.

Aniya, tutulong ang kanilang kompanya lalo sa mga gastusin sa pagpapalibing at pagpapagamot sa mga biktima.

Napag-alaman, bumangga sa isang poste ang sinasakyang Canter truck ng mga biktima nang mag-overtake sa sinusundang multicab.

May nakitang babaeng tumatawid sa naturang daan at sinundan pa ng isang motorsiklo na nakasalubong nito kaya agad kinabig ng driver ang manibela pagilid upang maiwasan ang ginang at motorsiklo hanggang bumangga sa poste.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *