Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

2-anyos dinukot nasagip, 3 arestado (Sa Zambo City)

ZAMBOANGA CITY – Arestado sa joint operation ng PNP at militar sa lalawign ng Sulu ang tatlong lalaking responsable sa pagdukot sa 2-anyos paslit sa Brgy. Arena Blanco sa Zamboanag City.

Nasagip ang biktimang si Haima Taji na ngayon ay kapiling na ang kanyang mga magulang sa Zamboanga City.

Personal na pumunta sa lalawigan ng Sulu para sa operasyon ang station commander ng Zamboanga City Police Station 6 na si Supt. Nonito Asdai at dumiretso sa Brgy. Anuling, sa bayan ng Patikul kasama ang mga pulis sa Sulu at mga sundalo.

Nabatid na ang mastermind sa pagdukot sa bata ay si Danny Abdurasad Patta, 28, residente ng Brgy. Hambilan, Siasi, Sulu dahil sa utang sa kanya ng ama ng biktima na P20,000 at matagal nang hindi nababayaran.

Kasabwat niya ang dalawa pang nahuling suspek na sina Muktadir Musa Mohammad, 41, at Haron Sahirun, 52, parehong mga residente ng Brgy. Langhub, Patikul sa Sulu.

Ayon kay Patta, pareho silang mga mangingisda ng ama ng biktima at nangutang sa kanya ng P20,000 na lumaki na rin dahil sa interes na hindi nabayaran nang ilang buwan.

Dahil dito, wala aniya siyang naisip na paraan kung hindi ang dukutin ang paslit para makuha nila muli ang inutang na pera ng kanyang mga magulang.

Ang bata ay dinukot nitong Martes mula sa kanilang bahay at agad dinala sa Patikul, Sulu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …