Monday , December 23 2024

16 hi-profile inmates mananatili sa Bilibid

MANANATILI muna sa Building 14 ang high profile inmates sa New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguiree ll, hangga’t walang final ruling ang reklamo ng drug lords ay mananatali sila sa nasabing gusali.

Inihayag ni Aguirre, mayroon silang ikinokonsiderang puwedeng paglagyan sa mga bilanggo.

Maaari silang ilipat sa Tanay at sa Camp Aguinaldo na may seldang ginamit ng mutineers at iba pang rebel soldiers.

Pinagpaplanohan din ng kalihim ang isang pangmatagalang solusyon at ito ay pagpapatayo ng bagong gusali sa Nueva Ecija.

“Initially perhaps they will remain there (Bldg. 14) but also we are thinking of the possibility of housing them meron kasi possible cells sa Camp Aguinaldo. May 24 magandang selda ginamit sa mutineers sa ibang rebel soldiers, meron din sa Tanay. Of course long range plan magtatayo tayo ng panibagong building sa Nueva Ecija and kino-consider din ‘yung looking for an island parang Alcatraz,” wika ni Aguirre.

Nabatid na nangangamba sa kanilang buhay ang 16 high profile inmates sa NBP.

Ito ay nang lumutang ang balita na nag-ambag-ambag na sila nang malaking halaga para maging pabuya sa sino mang makapapatay kina Pangulong Rodrigo Duterte at PNP chief Ronald Dela Rosa.

Nagpaabot ng manifesto ang mga bilanggo kay dating Justice Acting Secretary Emmanuel Caparas.

Anila, natatakot sila na ang nasabing impormasyon ay pinalutang para makondisyon ang publiko sakali mang sila ay patahimikin ng mga tiwaling opisyal sa NBP.

Sakali raw na sila ay patahimikin, mababaon na rin daw sa limot ang mga korupsiyon na nangyayari sa loob ng Bilibid.

Itinanggi rin nila ang paratang na sila ay nag-ambag-ambag para makalikom nang malaking halaga para gamiting pansuhol sa makapagpapatumba kina Duterte.

Hinimok nila ang Pangulo na magpadala ng kinatawan sa NBP para mag-imbestiga at para lumabas ang katotohanan na sila ay walang kinalaman sa napaulat na sabwatan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *