Mula sa pagkabata’y akin
nang nagisnan
layaw sa magulang
lubhang mapagmahal
wala akong nais na di ko nakamtan
bugtong akong anak
labis nilang mahal.
Ang matapos ako sa ‘king pag-aaral
tanging hiling nila bago pa man pumanaw
sinunod ko sila. ako’y nagtagumpay
aking karangalan,
sa kanila’y ibibigay
Ngunit ang tadhana’y
mapagbiro minsan
natutong maghanap ng ibang libangan
ang bawal na SHABU aking nasumpungan
nalimutan lahat aral ng magulang
Habang tumatagal lalong hinahanap
ang pinagdaana’y nalimutan lahat
hanggang isang araw,
ako ay nagulat
kaibiga’t magulang ay wala nang lahat
Ako ay nagbago’t nagpagamot agad
barkada’t shabu iniwasang lahat
ngunit sa pagkatao mo ito’y nakatatak
magbago ka man ngayon
huli na ang lahat
Kaya’t ito sana’y maging isang aral
sa mga kabataan na ibig matikman
ang demonyong SHABU walang buting
taglay, bagkus ito’y isang pagpapakamatay
DRUGS END ALL DREAMS (DEAD)
Tulang katha ni Ms. Rosanna Roces handog Kay Erap
(EDSA2 People Power January 20, 2001)
Inihalintulad namin si Erap sa isang demonyo
Kayo, ang nagtulak sa amin para gumawa nang masama!
Kayo, na sana ay gagawin naming ehemplo
ang mali pala, ay puwede rin maging tama!
Kayo na inaasahan naming magtatanggol
Sa amin, ang siya pang nagtulak sa amin
sa bangin.
Kayo na mamumuno sana sa amin
Kayo na inaasahan naming mga Pilipino
Kayo na pinagkatiwalaan namin ng Bayan.
Asan na kayo ngayon?
Pa’no na kami?
Ano’ng ginawa n’yo?
Magkano ba ang ibinayad sa inyong
mga prinsipyo?
Ngayon, huwag n’yo kaming tanungin
Kung bakit Hudas ang tawag namin sa inyo
Huwag n’yo kaming tanungin kung bakit
Inihalintulad namin si Erap sa isang demonyo!
Ang katulad n’yo po, mahal naming senador…
ay mga kampon ni Satanas
na patuloy na naghahasik ng kasamaan
sa aming mahal na Bayan.
Pero hindi na namin mapapayagan ito
Tama na ang pagbubulag-bulagan!
Tama na ang pagbibingi-bingihan!
Kailangan na kaming umaksiyon para sa
aming mga ANAK!
Hindi na namin Mapapayagan na kami
ay muling linlangin at gahasain sa aming
sariling pamamahay!
Ngayon, ipapatupad namin ang aming
karapatang pantao!
Makikipaglaban kami para maiwasto ang
Baluktot na paniniwala!
Isisigaw namin ang aming nararamdaman!
Makikipagpatayan kung kinakailangan
Tama na ang pagsasawalang-kibo!
Dahil sa loob ng dalawang taon
kayo’y nagpasasa sa aming mga LUHA,
Pawis at barya
Kung ano’t ano man ang mangyari.
Diyos po namin…
kayo na po ang bahala!
***
UGALIING manood sa Royal Cable TV-6 tuwing Martes at Miyerkoles 10:30am – 12non TV Program “KASANDIGAN NG BAYAN” Mayor Abner L. Afuang with TV station sanager Cris Sanji. Godspeed.
KONTRA SALOT – Abner Afuang