To Señor H,
Maraming sumulpot na langgam mula sa table, pero hindi ordinary dhil malalaki ang size nito at nahulog sila mula sa table at kumalat, wat po kaya pinahhwtig nito s akin? Wag n’yo n lng po papablis # ko, salamat po sir- Mr. Suave
To Mr. Suave,
Ang langgam sa panaginip ay nagpapahiwatig ng iyong kawalan ng kasiyahan sa iyong pang-araw-araw na buhay. Pakiwari mo ay napapabayaan ka at walang halaga, kaya kahit mga maliliit na bagay ay ikinaiirita mo. Maaari rin naman na ang ganitong panaginip ay isang metaphor sa pakiramdam na antsy or restless. Ang mga langgam ay sumisimbolo rin sa hardwork, diligence, cooperation, at industry. Sa mga negosyante, mas dapat asahan ang magandang pasok ng pera o negosyo, kapag nanaginip ng ganito. Posible rin na ang ganitong panaginip ay may kaugnayan sa social conformity and mass action. Sa ganitong punto, maaaring maramdaman mo na ang iyong buhay ay masyadong structured and orderly.
Ang panaginip na nahulog ay maaaring reflection ng sense of failure or inferiority sa ilang pagkakataon o sitwasyon. Maaaring ito ay takot sa trabaho, pag-aaral, estado sa buhay, sa love, at iba pa. Maaaring may kaugnayan ito sa major struggle and/or overwhelming problem. Posible rin na nagsasabi ito na nabigo kang maabot ang iyong goal na itinakda para sa sarili.
Ang mesa naman ay nagpapakita ng hinggil sa social unity and family connections. Maaaring senyales ito ng nagbabadyang ‘di pagkakaunawaan sa inyong pamilya o ng tampuhan. Sa kabilang banda, maaari rin namang may kaugnayan ito sa panlilinlang sa mga tao sa iyong paligid. Ito ay posible rin namang may kaugnayan din sa sense of insecurity.
Señor H.