Muzta Señor,
Nag- dream aq, maraming dugo, may pinatay kasing tao, pero d aq sure, parang aq yata ang naka-patay, wat kea po meaning ni2? Plz2 dnt post my cp # I’m Jazmn…TY.
To Jazmn,
Ang dugo sa panaginip ay nagre-represent ng life, love, and passion as well as disappointments. Kung sa bungang-tulog mo naman ay may sugat ka o dinudugo o kaya naman ay nauubusan ng dugo, ito ay nagsasaad na ikaw ay nakararanas ng exhaustion o kaya naman ay nakakaramdam ka na ikaw ay emotionally drained. Ito ay maaari rin namang nagsasaad ng bitter confrontations sa pagitan mo at ng iyong mga kaibigan bunsod ng mga isyung nakalipas na. Kung ikaw naman ay babae, may mga kababaihan na nakakapanaginip ng dugo bago o pagkatapos ng kanilang monthly period o habang sila ay buntis. Kung nanaginip ka naman na ikaw ay nagdo-donate ng dugo, ito ay may kaugnayan sa pagiging physically drained mo bunga ng sobrang stress. Kung nakita naman sa bungang-tulog na dinudugo o may dugo sa ibang tao, ito ay may kaugnayan sa emosyon at pangangailangan ng tulong.
Kapag naman sa panaginip mo ay pumapatay ka ng tao, ito ay nagsasaad na ikaw ay masyadong stress at ito ay delikado dahil posibleng pagmulan upang mawala ka sa sarili at magalit agad-agad. Kailangang alamin kung kilala mo ang taong napatay mo sa panaginip at isipin kung ikaw ay may mga nakatagong galit sa taong ito. Posible rin na sinusubukan mong patayin o tapusin ang ilang aspeto ng iyong pagkatao na nire-represent ng taong napatay mo. Maaari rin na nanggagaling ito sa galit mo, lalo na sa aspetong personal sa partikular na tao na napapanaginipan mong pinapatay mo. At dahil nasa subconscious mo ito, kaya ito nagma-manifest sa iyong panaginip. Maaari rin namang mahilig kang manood ng mga pelikula o palabas sa TV o magbasa ng mga librong bayolente o maraming patayan, naa-absorb ito ng iyong subconscious kaya nagiging ganyan ang takbo ng panaginip mo.
Señor H.
RELATED STORY: Nangholdap at nakapatay sa panaginip
RELATED STORY: Kahulugan ng Panaginip ng Patay na Taong Di Kilala (Stranger)