Sunday , December 22 2024

Mas piniling mapatay kaysa “Oplan Kapak”

PADAMI nang padami ang sumusukong adik at tulak ng shabu bunga ng pangambang mapatay (lalo na kapag nanlaban daw sila) sa kaliwa’t kanang police drug bust operation.

Sa Quezon City, 1,000 na ang sumukong adik habang sa iba’t ibang lugar sa bansa ay patuloy nang lumolobo ang bilang ng mga sumusuko.

Katunayan sa dinami-dami ng sumuko sa Quezon City Police District (QCPD), tila suko naman ang pamahalaang lungsod.

Mismong si QC Vice Mayor Joy Belmonte ang nanawagan na maghinay-hinay lang sa pagpapasuko dahil hindi raw sapat ang rehabilitation center ng QC.

Kailangan din umanong magkaroon ng tamang koordinasyon ang QCPD sa pamahalaang lungsod bago magpasuko uli.

Pero ayon naman kay Belmonte, maganda ang programang ipinatutupad ng QCPD. Katunayan, malaking tulong ang programang “Oplan Kapak”  para sa seguridad ng mamamayan ng lungsod.

Ano pa man, anang opisyal ay nakahanda naman ang pamahalaan na tanggapin ang mga ipare-rehab sa mga sumuko. May sapat na pondong nakalaan naman daw para rito. Kung hindi ako nagkakamali sa narinig kong interivew kay Joy sa isang estasyon ng radyo, P50M ang nakalaang pondo para sa rehab ng mga ipapasok sa center.

Napakasuwerteng mga adik, may P50M sila. Magpakaadik na lang kaya tayo para mabahagian sa P50M. Hahaha. Loko-loko, hindi mapupunta sa bulsa ng mga adik iyan P50M kundi sa bulsa ng ilang taga-gobyerno este, mali kundi para sa gamutan ng mga adik.

Ano pa man, congrats sa QCPD at sa lokal na pamahalaan sa epektibong programa kontra ilegal na droga.

Pero sa kabila ng halos araw-araw na pagsuko – may drug lord pa nga sa Cebu na sumuko kamakalawa, hayon mayroon pa rin mga tulak na walang takot sa pagbebenta ng droga. Bahala na ‘ika siguro nila… “mapatay kung mapatay.”

Heto nga, nitong Hunyo 23, 2016 dakong 10:00 pm, ilanG oras ang nakalipas nang sumuko ang mahigit sa 700 adik sa QCPD, mas pinili ng tatlong pusher ang magbenta ng droga. Tuloy anong napala nila?

Patay sa pinangyarihan ang tatlo na nagkukuta at nagtutulak ng droga sa Barangay UP Campus, QC.

Ayon kay Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng QCPD-DAID, napatay sina Darwin Moralla alyas Win; alyas Vergel, at isa pa, matapos manlaban sa tropa ni Sr. Insp. Dondon Llapitan, nanguna sa buy-bust operation.

Nang iabot ni PO3 Antonio Salamanque, nagpanggap na buyer ang P10,000 marked money sa mga suspek, napansin ng tatlo ang presensIya ng mga pulis kaya, nanlaban at nakipagputukan ang mga pulis.

No choice ang mga operatiba kundi ipagtanggol ang sarili. Kaya patay on the spot ang tatlo.

Ayos, nabawasan na naman ng tulak sa Kyusi.

Congrats Maj. Figueroa, lalo na rin sa iyo kabayan, Sr. Insp. Llapitan. At siyempre, ang lahat ay bunga ng good leadership ni QCPD Director, C/Supt. Edgardo Tinio.

Samantala, ang tropa rin ng QCPD City Hall Police Detachment na pinamumunuan ni Chief Insp. Rolando Lorenzo, ay nakadale ng dalawang drug dealer nang tulungan nila sa operasyon ang CIDG-NCR sa buy bust operation sa NIA Road, Brgy. Pinyahan, QC noong Hunyo 21, 2016 dakong 4:00 am.

Patay sa operasyon, matapos manlaban sa mga operatiba sina Kahlid Amintao, at Asnawe Ala, mga kilalang drug dealer ng Cavite at Pasig.

Ayon kay Lorenzo, narekober  sa dalawa ang tatlong kilong shabu na nagkakahalaga ng P15 million sa street value at Toyota Altis na ginagamit ng sindikato sa iba’t ibang drug dealings nila.

Kasabay nito, nanawagan din si Lorenzo sa mga pusher at user na sumuko. Ano mang oras,  nakahandang umalalay ang QCPD para sa kanilang pagbabagong buhay.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *