BAGO magdagdag ng ano man sa inyong bahay na magdudulot ng tunog (halimbawa telepono, alarm clock o doorbell) tiyaking ito ay may tonong iyong magugustuhan.
Mula sa perspektiba ng feng shui, ang katulad nitong mga tunog ay mas mainam kung gumagamit ang mga ito ng traditional metal bell, dahil ito’y nakatutulong sa pagpapalinaw at pagpukaw sa paligid sa bawa’t nitong pagtunog.
Ikonsidera ang pagdadala ng iba pang ambient sounds na iyong gusto. Ito ay maaaring tunog ng indoor waterfall o rhythmic ticking ng orasan.
Ang ganitong mga tunog ay dadaloy palabas ng inyong bahay, at pananatilihing kumikilos ang chi kaya naman mababawasan ang panganib na ito’y maging stagnant.
Ang tunog ng dumadaloy na tubig ay pupuno sa inyong bahay ng relaxing multi-frequency sound na sasapaw sa ibang mga ingay.
ni Lady Choi