INIMBENTO ang isang bracelet na kokoryentehin ang magsusuot nito kapag somobra na sa paggastos.
Ang ideya, ang Pavlok wristband ay nakaugnay sa online bank account, kaya kapag ang gumagamit nito ay somobra na sa pre-set spending limits, ito ay maglalabas ng 255-volt shock.
Ito ay mayroong apat na ‘stages,’ magsisimula sa pag-log ng customer sa kanilang credit card o bank account facility.
At pagkaraan ay ikokonekta ang device at itatakda ang spending limit.
Kapag malapit nang umabot ang gumagamit nito, sa self-imposed limit, magpapadala ng ‘notification’ sa kanyang phone.
Kapag ipinagpatuloy pa rin ang paggastos, ang wristband ay kikilos sa shock mode.
Ang inilalabas na koryente ay sinabing “slightly uncomfortable”, ngunit hindi masakit, ayon sa Intelligent Environments, ang kompanya na nangangasiwa sa koneksyon ng device patungo sa banking sites.
Idiniin ng kompanya na ito ay subok na at ligtas.
Ang bracelent ay inaasahang magiging patok sa youth market dahil nagpakita na ng interes ang mga magulang at partners para ibibili nito ang kanilang mahal sa buhay.
“We’ve had lots of interest from ‘concerned others’,” pahayag ng IE spokeswoman.
“Quite a few have said they want to get one for their daughter, or wife!”
Sinabi ni Managing director David Webber: “My daughter and other people we’ve spoken to who are under 25 think it’s brilliant. “There’s probably a novelty value as well.”
Ang wristband ay inilunsad noong 2014 ng US internet business, naglalayong ipagamit sa mga tao upang maalis mga bisyo katulad ng paninigarilyo at pagkagat sa kanilang kuko.
Ito ay base sa eksperimentong isinagawa ni Russian psychologist Ivan Pavlov sa mga aso.
Napatunayang ang mga aso, gayondin ang mga tao, ay maaaring turuan na ilang mga paraan sa pamamagitan ng pabuya o parusa.
(SKY NEWS)