NAMAYAPA na ang bunsong kapatid ni Nora Aunor na si Eddie Boy Villamayor last June 27. Napag-alaman namin ito sa FB post ng pinsan niyang dating teen star na si Ms. Lala Aunor.
Si Eddie Boy ay 56 years old. Siya ay naratay sa FEU Hospital makatapos niyang ma-stroke noong July 2015.
Matatandaang last month lamang ay naglabas ng hinampo ang Superstar sa kanyang mga anak sa hindi raw nila pagdalaw kanilang Tito na matagal nang nakaratay sa ospital.
Ayon sa nasagap naming balita, nakaburol sa Eddie Boy sa Loyola Columbary, sa Commonwealth, Quezon City.
Si Eddie Boy ay naging artista rin noong dekada ’70. Kabilang sa mga nagawa niyang pelikula ang Banaue, Alkitrang Dugo, at Minsa’y Isang Gamo-Gamo na gumanap siya bilang nakababatang kapatid ni Nora.
Base rin sa pagkakantanda namin, ang love life niya ang siyang naging rason para mag-quit sa showbiz. Na-involve kasi siya sa younger sister naman ni Vilma Santos na si Winnie Santos at nang walang nangyari sa kanilang relasyon, labis na nasaktan si Eddie Boy.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio