Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tetay, magge-guest daw sa morning show ni Marianita

NAKAKALOKA ang bagong rumor kay Kris Aquino.

Lumabas sa isang Facebook fan page kasi na all set to guest na si Kris sa morning show ni MarianRivera.

“Balitang ikinakasa na umano ang pag-guest ni Kris Aquino sa programang Yan Ang Morning ano pa’t wala na siyang kontrata sa Kapamilya Network.”

‘Yan ang nakakalolookang post sa Kakulay Entertainment  Blog.

Parang ang hirap paniwalaan ng chikang iyon. Papayag ba naman ang Dos na mag-guest si Kris kahit pa hindi pa naman ito nakakontrata sa kanila?

Mas lalo sigurong hindi welcome kay Kris ang idea since magbabalik pa siya sa TV via some shows sa Dos.

Talagang naloka kami when we read that item.

Baka pinalulutang lang iyon ng isang kampo dahil naghihingalo na sa ratings ang show ni Marianita. Talong-talo ito sa ratings at parating kumakain ng alikabok. Palaos na kasi si Marianita, wala na siyang solid fan base mula ng mag-asawa siya’t magkaanak.

Kung sikat pa siya, bakit wala siyang film offers?

Alam na alam naman siguro ni Kris na tiyak lang na magagamit siya ng show ni Marian kapag nag-guest siya rito. At hindi naman siya tanga para gawin ‘yon, ‘no!

Actually, hinihintay lang ng Dos ang pagbabalik ni Kris para maayos na lang ang content ng contract.

Hindi kailangan ni Kris ang show ni Marian.

Ang mas totoo, mas kailangan ni Marian si Kris and it is not the other way around.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …