Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai delas Alas, gagawing aktres ni Direk Louie sa indie film na Area

00 Alam mo na NonieGUMIGILING na ang kamera para sa pelikulang Area ng BG Productions International na pag-aari ng businesswoman na si Ms. Baby Go. Ito ay pinamamahalaan ni Direk Louie Ignacio at tinatampukan nina Allen Dizon at Ai Ai dela Alas.

Ang pelikula ay ukol sa isang lugar sa Angeles City na tinatawag na Area na may mga prostitute sa murang halaga. Gumaganap sina Allen at Ai Ai rito bilang maintainer at bugaw ng mga kasa sa naturang lugar.

Kung si Ai Ai ay kilala bilang komedyante, sa Area ay ibang Ai Ai ang mapapanood. Balita namin ay tinututukang maigi ni Direk Louie ang acting ni Ai Ai rito. Nang makapanayam namin ang award winning director noon, sinabi nitong sisiguraduhin niyang mapapansin ang acting ng komedyana sa pelikulang ito.

Anong inaasahan mong magiging performance niya rito, kakaibang Ai Ai ba ang makikita sa kanya?

“Ay oo naman, sisiguraduhin ko na may bulaga factor yung gagawin ni Ai Ai rito. Kasi yung role na ito ay hindi pa niya nagagawa kahit kailan and very challenging yung concept.

“Para sa kanya talaga itong movie, para ka Ai Ai talaga,” esplika ni Direk Louie.

Magiging dairing ba siya rito? “Yes, yes. Magiging daring siya rito,” mabaili na sagot ni Direk. “Magiging aktres… na mare-recognize mo siya rito as an actress.”

Puwedeng pang-award? “Dapat. Yun ang tinatarget ko. Sabi ko, ‘Ai Ai parang ikaw na yung mabibigyan ko ng best actress dito.’ So, tignan natin.”

Ukol naman kay Allen, first time nilang magkatrabaho ni Direk Louie at sinabi niyang excited siyang maidirek ang award-winning actor.

“Si Allen yes, first team-up namin ito and excited ako, kasi nacha-challenge ako. Hindi ko alam kung ano namang ipapagawa ko sa kanya, kasi Best Actor iyan, ang dami niyang award na nakukuha.

“Pero so far yung first shooting day namin, ang galing niya. I’m glad na ang ganda noong result ng mga rushes namin,” sabi pa ni Direk Louie.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …