SA mga conscious sa kalusugan, nagdulot man ng sobrang kasiyahan at katatawanan ang aksidenteng pagkakahulog ni Jose Manalo mula sa balsa in a recent episode of Eat Bulaga, may nakausap kaming nababahala sa posibleng sakit dulot ng maruming tubig sa ilog.
Sa mga nakapanood ng June 14 telecast ng Juan For All, All For Juan ngEB, sakay-sakay si Jose ng isang balsa na nasa ilog. Bagamat may lubid namang kinakapitan si Jose, ang pagkawala ng kanyang balanse made him fall on the murky waters.
Nasa mga estero ang ilog na ‘yon na makikitang nagkalat ang mga lulutang-lutang na basura, worse, human wastes yata ng ilang mga kababayan nating walang habas sa pagtapon ng kung ano-anong mga bagay without realizing environmental hazards.
Hindi pa kasi nakuntento si Jose, nagpakahulog pa siya uli sa ilog habang aliw na aliw ang studio audience—maging ang mga EB host—sa stunt niyang ‘yon.
Ayon sa aming nakausap from the medical field, considering the presence ng iba’t ibang uri ng bacteria sa pinaghulugang ilog ni Jose ay malamang na dapuan ito ng sakit. Balitang pagkatapos ng episode na ‘yon ay dumiretso si Jose sa ospital, na dapat lang naman.
Bagamat para sa marami ay nakatatawa ‘yon, kundi man kahanga-hanga sa parte ni Jose na walang karate-arte sa katawan, ay maaaring magkaroon naman ‘yon ng masamang epekto sa kanyang katawan. Internally, that is.
June 2016 Kapuso Magazine, out na
OUT na ang June 2016 Kapuso Magazine bilang pagdiriwang ng ika-66 anibersaryo ng GMA. Tampok sa isyung ito ang Kapuso Mobile App, mga bagong programa tulad ng Laff Camera Action at Home Foodie, Kapuso Milyonaryo 2016, at iba pa.
Kapuso Abroad features Benjamin Alves’ recent Guam visit while Citizen Kapuso highlights GMAKF’s relief distribution efforts in Maguindanao.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III