Friday , November 15 2024

Historia de un amor ng baro’t salawal

TAONG 2003, ang sumapi si Afuang sa dati’y  may prestige na institusyon ng mga print at broadcast journalists, ang National Press Club.

Dahil noo’y makikita sa mga naging presidente at opisyales ng NPC ang taos-pusong pagmamalasakit  sa mga mamamahayag ng Filipinas.  Lalo’t higit sa mga brutal na pinapatay na mga media practitioner sa north, east, west & south na bahagi ng ating bansa.

Special case ang tangkang pagpatay kay Afuang, sa loob mismo ng compound ng National Press Club. Pinoy vs Chinoy na nanghihiram ng tapang sa badigard na pulis

Iba na po ngayon, katulad ng brutal na pagtatangka sa buhay ni Afuang,  nagkataon na gun ban, thanks God.  Naghari pa rin kay Afuang ang pagmamahal sa mga pulis na dating profession for almost half of his life. Pati pulis na badigard damay kung nagkataon. Lord patawad!

For almost 14 years na regular member of NPC ni Afuang. Ang isang dahilan kaya naenganyong sumapi si Afuang sa NPC ay dahil humahanga po ang inyong lingkod sa makatao’t makadiyos na malasakit at pagmamahal ng mga naging NPC presidents sa kanilang mga miyembro man o hindi. Brutal na pinapatay at minamasaker ng mga salot na hayup sa lipunan sa buong kapuluan, noon ‘yun!

Maraming naging NPC president na ang dala at suot-suot sila’y manilbihan, mga baro’t salawal lamang. Nang sila’y magtapos sa kanilang panungkulan, ang kanilang mga baro’t salawal pa rin ang dala-dala sa pagtatapos ng kanilang termino bilang NPC president down to the level. Anong say po ninyo Louie Logarta?  Nasa huli ang pagsisi?  Amen.

Noon din taon 2006, naging magulo ang NPC election.  Isa po si Afuang sa naging tagapa-mayapa ng tensiyon noon. Dito nakilala ni Afuang si Benny Antiporda, vice president ni former president Roy Mabasa.

Pareho rin sina Roy at Benny Antiporda na baro’t salawal din noon ang suot-suot o dala sa katawan nang sila’y manungkulan sa NPC.

Noon din taon 2006 ang inyong lingkod ang nahirang na vice chairman ng NPC Elecom.

Noong 2006, sa panahon ni Antonio Antonio, P120 annual membership dues ng regular members. Now, 2016 P1,800 kada taon. Sa corrupt journalist, barya lamang po ito.

Pero narito po bayan ang mga katanungan ng lifetime at regular members. Narito po mga kapatid na mamamahayag ang ilang katanungan ng isang veteran journalist at lifetime member Sammy “Asintado” Gabot: Paano ka yumaman o naging milyonaryo? Saan nangaling ang kuwartang ipinambili ng ilang ten-wheeler trucks, SUV, other properties and businesses na ipinagmamalaking pagmamay-ari mo?! Nakahukay ka ba ng ginto sa Intramuros?

BAYAN, ibig pong iparating ni Afuang kay Rey Casaway, security supervisor ng Intramuros Administration ang walang katapusang pasasalamat at malaking utang na loob at habang buhay na tatanawin sa makatao’t maka-Diyos na pagliligtas niya sa aking buhay noong akoy duguan nang lumalabas nang solo, sapo-sapo ang aking  ulo dahilan sa patuloy na pag-agos ng dugo, nitong Abril 1,2016.

Dahil sa pagtatangka sa aking buhay ng ngayo’y multi-millionaire na half breed Chinese, never ending na opisyales ng aming pinagpipitaganan intitusyon. Noon ‘yun!

***

UGALIING manood muli sa Royal Cable TV6 tuwing Martes at Miyerkoles 10:30 am to 12:00 nn TV Program “KASANDIGAN NG BAYAN” Mayor Abner L. Afuang with TV station sanager Cris Sanji. Marami pong salamat. Godspeed.

 

About Abner Afuang

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *