Thursday , December 26 2024

Courageous Caitie, itatampok sa MMK

ANG munting anghel. Ihahatid ng longest-running drama anthology in Asia ang isa na namang makadurog-pusong istorya sa MMK (Maalala Mo Kaya) ngayong Sabado, June 25, sa Kapamilya sa pagbabahagi ng buhay ng tinagurian at nakilala online at halos lahat ng social media na si Courageous Caitie.

Siya ang munting anghel na nagpamalas sa buong mundo ng kanyang walang sawang matamis na ngiti sa kabila ng dinaramdam na very rare condition, ang juvenile myelomonocitic leukemia (JMLL).

Si Caitie (Miel Espinoza) ay ang first daughter ng married couple na sina Tine (Shaina Magdayao) at Jayjay (JC de Vera). Sa panahong muli nilang binubuo ang kanilang mga buhay nagkakilala ang dalawa at nahulog ang mga loob sa isat isa. Nagplanong bumuo ng isang pamilya. At dumating si Caitie na bumuo sa pangarap nila.

Nang tumuntong sa edad na tatlo si Caitie, lumabas ang mga sintomas ng hindi maipaliwanag na sakit nang maglabasan ang rashes sa buong katawan. Na naghatid kay Caitie para ilang panahong manatili sa ospital dahil hindi maipaliwanag ng mga doktor ang sakit niya.

Umabot na sa pagsisisihan ang mga magulang ni Caitie. At dahil sa kawalan na ng pag-asa ibinahagi nila online ang istorya ng anak para humiling na rin ng tulong. At ang ‘di matingkalang suporta ng mga tao ang kumilala kay Courageous Caitie.

Sa kalaunan, sa paglisan ni Caitie, sa halip na lungkot ang ipabaon nila rito ay ang pag-iisandibdib nila ang ginanap sa burol ng anak.

Ang mga kasamang gaganap sa episode na ito ng MMK ay sina Aubrey Miles,Dante Ponce, Aiko Climaco, Bernadette Allyson, Kenzo Gutierrez, at Miko Raval sa direksyon ni Dondon Santos at panulat ni Joan Habana. Ang MMK is ay nasa pangangasiwa ng business unit head Malou Santos.

Papa Ahwel, patuloy ang pagtulong sa mga nangangailangan

ANGELS in our midst.

Sa nangyari sa kaibigang Richard Pinlac, maraming kamay ang nagtulong-tulong para sa pinansiyal na estado ng pamamalagi niya sa ospital hanggang sa makalabas na siya rito.

At ang kasama natin sa industriya na si Ahwel Paz (bukod kay tito Manny Garcia ng PCSO) ang nangasiwa sa dulo ng pisi para maging maayos ang pag-uwi ni Richard sa kanilang pansamantalang tahanan  sa Quezon City. Bukod pa rito ang mga taong sa simula ng itakbo ni Jobert Sucaldito sa ICU ang aming kaibigan eh, hindi tumigil sa pagtulong nila kay Richard. Na napakarami kung tutuusin at ang iba nga eh ayaw pang magpabanggit.

Si Nanay Cristy Fermin ang nagtawid sa lahat para kay Richard. Hanggang sa dulo ng kanyang nakayanan.

May tatak na si Ahwel sa puso ng marami sa entertainment writers na hinahandugan niya ng regalo tuwing kaarawan niya sa pamamagitan ng idinaraos na medical mission kada taon.

Maraming buhay na ang pinalawig pa ng medical missions na ‘yun. Isa na ang sa amin!

Kulang ang mga salita para kay Papa Ahwel na nagsisilbing isang anghel sa lahat ng panahon!

Salamat!

HARDTALK – Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *