Wednesday , December 25 2024

Gerald Santos, aminadong na-intimidate kay Epi Quizon

00 Alam mo na NonieMULING pinatunayan ni Gerald Santos na isa siyang versatile na artist. Bukod kasi sa pagiging Prince of Ballad at paglabas sa teatro, pati pelikula ay pinasok na rin ngayon ni Gerald. Unang movie niya ang Memory Channel, dating singer ang role niya rito na nagkaroon ng retrograde amnesia na nagti-trigger ng anxiety/panic attack.

Ang Memory Channel ay isa sa anim na entry sa World Premieres Film Festival na gaganapin sa June 29 to July 10. Kasama rin sa cast sina Epi Quizon, Bodjie Pascua, Patrick Patawaran, Arvy Viduya, at Michelle Vito. Ito’y magkakaroon ng gala premiere sa June 30, 6pm sa SM Megamall Cinema.

“Tamang-tama na it’s about a singer. Maganda ‘yung twist ng story at magaling ang direktor nitong si Direk Raynier Brizuela. Ang bago nilang makikita rito, ‘yung serious actor na si Gerald,” saad niya.

Paano mo pinaghandaan ang papel mo rito?  “Nag-research po ako, si Direk Raynier po kasi napakagaling din mag-motivate at talagang binig-yan ako ng pointers kung ano ‘yung dapat kong tignan about anxiety disorders.”

“Si Epi Quizon, iyong psychiatrist na gustong tulungan si Leo La Torre, na character ko rito. Bale, tutulungan niya yung character ko para maibalik ang memory niya thru Memory Channel. Nagkaroon kasi siya ng aksidente, isang car accident at nabagok ang ulo niya, kaya nawala yung memory niya.”

Ano’ng klaseng katrabaho si Epi?

Sagot ni Gerald, “Noong una, sobrang intimidated ako. Grabe ang kaba ko, kasi Epi Quizon na iyan, e. Tapos at that time pa, nang sino-shoot namin iyong movie, panahon iyon ng Heneral Luna. Nanood ako ng Heneral Luna at siya iyong Apolinario Mabini roon, di ba? Kaya sabi ko, ‘Naku! Eto yung makaka-eksena ko, ang galing niya!’ So, sobrang kaba ko.

“Pero sobrang bait niya, sobrang generous niyang actor. Kaya naging comfortable ako, naka-arte ako nang maayos, hind ako na-pressure… sobrang galing niya, e. Supportive siya sa akin at kapag may maisa-suggest pa siya sa ikagaganda ng eksena, nagsa-suggest siya. Sobrang ge-nerous talaga siya.”

Abangan din si Gerald sa San Pedro Calungsod, The Musical, kasama sina May Bayot at Kuya Manzano. Gaganapin ito sa July 29 (1pm, 4 pm, at 7 pm) sa The Star Theater, Star City Complex, Manila. Ito’y mula sa direksiyon ni Antonino Rommel Ramilo, na siya ring gumawa ng libretto at musika nito, kasama si Gerald. Bilang bahagi naman ng selebrasyon ng 10th year anniversary niya sa showbiz, mapapanood din si Gerald sa TENacity concert sa September 24, 2016 sa SM North EDSA, Skydome, 7pm, kasama si Morisette at iba pang major artists.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *