Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald, aarte na sa pelikula

TEN! Na ang years na ginugugol ng singer na si Gerald Santos sa mundo ng showbiz.

At mukhang suwerte ang taon kay Gerald dahil nagsusunod-sunod ang dating ng blessings ng trabaho sa kanya. At sa sari-saring larangan. Album. Stage. Concert. And movie!

Muli niyang gagampanan ang katauhan ng 2nd Filipino Saint na si San Pedro Calungsod sa Musical nito na itatanghal sa July 29, 2016 (12 noon; 4:00 p.m., at 7:00 p.m.) sa Star Theater sa Star City Complex, Manila. Na ang musika at libretto ay ginawa nila ng kanyang manager na si Cocoy Ramilo na siya ring direktor nito.

At sa Setyembre 24 naman sa SM North EDSA Skydome masasaksihan ang celebration ng kanyang 10th year via TENacity.

Kaya naman tuwang-tuwa ang Prince of Ballad at maging hanggang sa pelikula niyang ipalalabas na sa June 28-July 10 bilang bahagi ng World Premieres Film Festival (Manila), ang Memory Channel na ang pagiging mang-aawit na dadapuan ng retrograde amnesia na gagampanan niya at ang kaeksena ay si Epy Quizon.

Hamon din kay Gerald ang una niyang sabak sa pelikula dahil matitindi ang makakalaban niya sa nasabing festival gaya ni Allan Dizon sa  Iadya Mo Kami at marami pa.

“Matinding kaba po. Pero ‘yung makahanay mo na ang magagaling na artista natin, para sa isang gaya kong nagsisimula pa lang eh, napakalaking bagay. It’s an honor po.”

Kaya nag-i-invite si Gerald sa June 30 para sa gala premiere nito sa SM Megamall at 6:00 p.m. at tayo raw ang magsabi kung dapat siya magpatuloy sa pag-arte.

Ang kababata niyang si Raynier Bizuela ang may iskrip at idinirehe nito na ang paggawa ng short films ang naging unang salang sa pagdidirehe.

May bisa pang regalong inaantabayanan si Gerald bago matapos ang taon. Aminado siya na sumubok siya at nag-audition para sa Miss Saigon na itatanghal sa Broadway next year. He is keeping his fingers crossed na biyayaan siya ng magandang balita sa musicale na ito. At talaga raw masasabi niyang kompleto na ang ika-10 niya sa industriya!

Samahan natin siyang ipagdasal ito!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …