Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktor, ‘di pa rin makaariba kahit ipinareha na sa magagaling

BIG! As in nasa heavy side nga ngayon ang noon pa napabalitang lilipat ng network na aktor na mula sa angkan ng mga artista.

Naintriga nga kami at hindi agad nahulaan nang i-blind item ito sa isang programa. Maski pa ang isang clue na ibinigay eh initials daw ng tatak ng isang brand ng refrigerator. Hula naman ako! Mali! Luma ang nahulaan ko!

Until bumulaga ang teaser ng isang teleserye at ito pala ang bagong makakasama ng mga bida sa nasabing palabas.

Oo! Nasa chubby side pa nga ito. Kaya nga ang b.i. sa kanya eh, naipareha na sa halos lahat ng bago rin at kapanabayan niyang leading ladies pero hindi nga naka-ariba.

At ang matindi sa nasabing blind eye, mukhang may hamon as in challenge ha at hindi hamon na ham ang production sa kanya na bawasan ang timbang niya para tuluyan siyang mai-push sa kanyang bagong tahanan.

Madali naman hulaan, eh. Pero sana seryosohin na niya ang hamon kasi sayang-mahusay din siyang artista!

Eh, baka naman sa bago niyang bahay na siya mapansin nang tuluyan!

 ( Pilar Mateo )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …