Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard, type gawing no. 2 si Jodi

00 SHOWBIZ ms mALIW ang question and answer sa presscon ng The Achy Breaky Hearts na pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.

Isa sa nakaaaliw ay nang matanong si Richard ukol sa kung may time na sumagi sa isip nila ni Ian na totohanin ang loveteam with Jodi. Sagot ni Yap, “Well, like I’ve said before sa ibang interview, Jodi is a lovable person nga, so mabilis kang maano sa kanya because mabait, maganda, parang she has both the qualities in one.

“But we try to separate ‘yung real from the reel, so kasi, we don’t want to complicate things also and we respect Jodi. Kasi alam namin, ‘di ba, as a person na may asawa na, ayaw din naming gawin sa kanya na parang ‘gagawin kitang no.2’, parang ganoon,” dire-diretsong sabi ni Yap kaya nagkatawanan ang lahat.

Sinabi naman ni Ian na, “talagang umabot na sa ganoon?”

“Hindi kasi rati, may ganoong ano, ‘di ba? Parang may gusto na mag-end up kami, na ligawan ko si Jodi, parang ganoon. Umabot pa sa point na ganoon, noong time ng ‘Be Careful With My Heart’(serye nila noon ni Jodi),” patuloy na pagdedepensa ni Yap.

“Siyempre, as an actor kasi, dapat nandoon ‘yung possibility lagi. You can’t look at your co-actor with love and not find anything to love about that person.

“And it just so happens na si Jodi is so easy to love. There’s so many lovable things about her. So, it’s not hard for any actor to look at her and find something to fall in love with,” giit pa ni Ian.

Kung sa Q and A pa lang ay nakaaaliw na sina Jodi, Richard, at Ian, what more sa movie. Kaya watch na ninyo ang The Achy Breaky Hearts  na idinirehe ni Antoinette Jadaone sa June 29. Kasama rin sa pelikula sina Sarah Lahbati at Beauty Gonzalez.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …