Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beauty, natakot at naiyak: Akala ko hindi na ako makababalik

00 SHOWBIZ ms mHINDI napigilan ni Beauty Gonzalez na maiyak at ipagtapat na nagkaroon siya ng takot na baka hindi na makabalik ng showbiz dahil sa pagbubuntis niya.

Ang pagtatapat ay kasabay ng pagpapasalamat niya sa Star Cinema dahil isinama siya sa pelikula nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, at Ian Veneracion, ang The Achy Breaky Hearts na mapapanood na sa June 29.

“Akala ko hindi na ako makababalik,” anito at sinabi ring nanghinayang sa biglang pag-iwan sa kanyang career para bigyang daan ang panganganak. Nagbibida na nga naman siya noon (Dream Dad at Ningning) nang biglang mabuntis.”May kaunting panghihinayang. Hindi naman iyan nawawala sa atin,” giit ni Beauty.

May panghihinayang man sa career, hindi naman siya nanghinayang sa pagkakaroon ng anak dahil ito ang nagbibigay sa kanya ng kaligayahan ngayon. “Parang feeling ko may purpose na ako in life. I feel so complete. Ang sarap, sarap maging nanay.”

Nang tanungin naman si Beauty ukol sa posibilidad na pagpapakasal nila ng ama ng kanyang anak na si Norman Crisologo, isang art curator, sinabi nitong, “Gusto ko munang gawin ito habang may ino-offer sa akin. I want to fill up my own cup first before marriage.”

Sa kabilang banda, ginagamapanan ni Beauty sa The Achy Breaky Hearts ang isang kaibigan/love advice guru kay Jodi.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …