Wednesday , December 25 2024

Alamat ng red string sa “Born For You” pinag-uusapan ng televiewers

DAHIL likas na hopeless romantic ang maraming Pinoy, agad nating naringgan ang televiewers na talagang inabangan ang “Born For You” kung sila ba raw ay mayroon din ka-red string.

Talaga namang patok na patok ang pag-uumpisa ng kuwento nina Sam (Janella Salvador) at Kevin (Elmo Magalona) na humataw sa ratings ang pilot episode ng pinakabagong primetime series ng ABS-CBN na “Born for You” nitong Lunes (Hunyo 20).

Ipinakita ng seryeng pinagbibidahan nina Janella at Elmo ang lakas sa primetime at nagtala ng national TV rating na 17.1%, kompara sa katapat nitong palabas na nakakuha lamang ng 11%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Trending din worldwide sa Twitter ang official hashtag ng teleserye na #BFYTheRedString na kitang-kitang sinuportahan ng netizens.

Sa unang episode ng teleserye, nakilala ng mga manonood ang masayang pamilya ni Sam kasama ang kanyang mga magulang na sina Cathy (Vina Morales) at Buddy (Bernard Palanca). Ngunit napuno ng kalungkutan ang lahat sa biglaang pagpanaw ng kanilang padre de pamilya nang habulin si Marge (Ayen Munji-Laurel), ang ina ni Kevin at asawa ni Mike (Ariel Rivera), upang bawiin ang kantang “Born for You” na kanyang isinulat para sa kanyang asawa.

Kung ano man ang kinabukasan na naghihintay para kina Cathy at Sam? Malaman pa kaya nila ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Buddy? Magkakilala na kaya sina Sam at Kevin?

Huwag palampasin ang teleseryeng magpapatunay na mayroong nakatadhanang tao para sa lahat, ang “Born for You,” gabi-gabi pagkatapos ng “Dolce Amore” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

DESMAYADO ANG NAG-ATTEND SA BIG DOME CONCERT NI BOY GEORGE!

Bagamat mahusay naman sana at nagustuhan ng mga tao ang way of singing ng Hollywood icon na si Boy George, desmayado ang mga nakapanood dahil kokonti lang daw ang kinanta nito at bigla nang nagbabu. Hahahahahahahahahaha!

Akala raw kasi ng mga nakapanood ay marami ang song numbers ng idol of the late 80s pero nagbabu na raw ito never to return again (never to return again, o! Hahahahahahahaha!)

Inordinately disappointed daw siguro ang American singer dahil hindi masyadong puno ang venue (Big Dome) at halos aalog-alog lang ang bandang ibaba. Medyo matao lang daw sa bandang itaas pero sa baba nga na mahal siyempre ang bayad ay hindi gaanong napuno.

Nairita raw siguro si Boy George dahil matagal na nag-brown out. Nang magka-ilaw, kumanta naman ng ilang song numbers ang Hollywood icon, tapos bigla na lang nagbabu.

Bigla na lang nagbabu raw, o! Hahahahahahahahahahaha!

Nabitin daw talaga ang mga nanood.

But in fairness to the guy, he sang beautifully naman daw and he gave his all.

‘Yun nga lang, kokonti ang kinanta kaya bitin.

Bitin daw, o! Hahahahahahahahaha!

Disillusioned siguro ang for a while ay naging rave sa Merika dahil hindi jampacked ang venue tulad ng kanyang expectation.

‘Yun nah!

IBANG KLASE SI SIR CHIEF!

Okay naman sina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion, they are sweet and full of warmth and nice to talk to, pero ang touching talaga para sa amin ang magnanimity ni Richard Yap.

Indeed, the guy has charity in his heart and he feels for other people.

Lagi naman, pagkaganitong presscon, Richard Yap has truckloads of give aways to the press.

Kapag kanyang presscon, makaaasa ka ng magagandang give aways na talagang quality at kanyang pinag-isipan.

Indeed, you can feel his good naturedness and affability and you can sense that he wants the press to be happy by way of his gran- diose give-aways.

Touching talaga!

If only for his magnanimity, I guess manonood ako ng kanilang pelikulang The Achy Breaky Haerts. Ex kasi ni Jodi ang role rito ni Sir Chief na nagbabalik para i-win back muli ang kanyang pagmamahal. ‘Yun nga lang, he has a fierce competitor this time in the person of the very appealing Ian Veneracion.

In a way, maganda ang kwento nito dahil torn between two lovers ang role ni Jodi.

Sino ba ang kanyang pipiliin? Ang mapagmahal bang Tisoy na si Ian o ang comebacking Chinoy na si Richard.

Diyan iikot ang kuwento ng movie na punong-puno ng kilig at feel good episode.

Who is Jodi (Chinggay) going to choose? Would it be the handsome Ryan (Ian) or the immensely charismatic Chinoy Frank (Richard)?

That question will be answered on June 29 when the movie The Achy Breaky Hearts opens in cinemas near you.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *