KAWAWANG Sarah Geronimo, pansamantalang tatalikod daw muna sa showbiz pero iba na agad ang interpretasyon sa kanyang pamamahinga.
The public is quick to jump the gun na kesyo “napuruhan” siya ng nobyong si Matteo Guidicelli at isisilang daw ng singer-actress ang kanilang love child sa malayong lugar.
Eh, ano naman ngayon kung nagdadalantao si Sarah? She’s of legal age. On top of that, may karapatan siyang gawin ang anumang gustuhin ng hindi kung ano ang gusto ng publiko.
Enough of gasgas stories na sunud-sunuran siya sa kanyang ina, let the mother realize na mayroon ding sariling buhay ang anak.
Who are we to judge pagdating sa usapin ng paghahanap ng isang nilalang ng bagay na magpapaligaya sa kanya? Kaya ba nating ipagkaloob ‘yon kay Sarah?
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III