Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabelle de Leon, itinuturing na challenging ang pagiging kontrabida

00 Alam mo na NonieFIRST time na gumanap bilang kontrabida ni Isabelle de Leon sa fantasy-drama TV series na Magkaibang Mundo. Ang naturang serye sa Kapuso Network ay tinatampukan nina Louise delos Reyes at Juancho Trivino.

“Yes po, first time kong lu-mabas na kontrabida, si Sofie Sandoval po ang character ko rito,” esplika sa amin ng talented na singer/actress.

Ano ang comment mo dahil positive ang reactions ng netizens sa pagiging kontrabida mo rito. “Masaya po and encou-raged na aralin pa nang husto ‘yung character ko as Sofie,” matipid na sagot niya.

Inusisa rin namin si Isabelle kung paano siya nag-prepare ng kanyang role rito.

“Nanood ako ng films, but this time mas ina-analyze ko kung saan po nagmumula ‘yung kontrabida. Kasi usually, bida ang kinakampihan natin. Here, inalam ko po kung saan sila nagmumula.”

Mayroon ka bang peg na kontrabida rito like Princess Punzalan or Cherie Gil?

“Wala po… I read the script, then nanood ng mga films with villains like Cinderella, Kill Your Friends, The Huntsman: Winters War, etc.”

Challenging ba sa iyo ang maging kontrabida? “Super challenging po, kasi I used to be bullied before noong highschool. Because I was chubby, I had pimples…

“Never ko po na-assert yung sarili ko kahit kanino nang ganoon katindi, kaya ang hirap po talaga.”

Ano ang ginagawa mo kapag binu-bully ka noong high school?

“Lumalayo na lang po. Ma-limit akong kumain na mag isa…ganoon po. But I do have friends naman, pero maraming pagkakataon na mag-isa lang akong kumakain.”

Ano ang maipapayo mo sa mga kabataang nakaranas ma-bully?

“Dapat huwag nilang paniwalaan ‘yung treatment ng mga bully sa kanila, dahil hindi doon nakabase ang totoo nilang va-lue. Ang bawat bata, bawat tao ay may pag-iingat na nilikha ng Diyos. You are wonderfully made, you can do all things through Christ, who gives you strength.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …