Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: Kama may ‘most intimate’ connection sa personal energy

ANG kama ang most important feng shui piece ng furniture sa ating buong buhay. Maaaring ito ay too strong feng shui statement ngunit ito ay totoo.

Ang inyong kama ang tanging piraso ng furniture na may ‘most intimate’ connection sa inyong personal energy.

Hindi matatawaran ang papel ng feng shui ng inyong kama at inyong bedroom alinsunod sa inyong kalusugan, sa inyong kagalingan gayondin sa kalidad ng inyong relasyon.

Bukod dito, ang good bed ay isa sa most important feng shui purchaces na inyong gagawin para sa inyong kagalingan.

Narito ang tatlong katangian ng good feng shui bed:

*Good headboard. Habang ikaw ay natutulog, ang iyong katawan ay dumaraan sa very complex at busy energy repair work sa maraming level. Subconsiously, ang iyong ulo ay kailangan ng good backing, proteksyon at suporta, katulad din ng pangangailangan ng iyong likod habang nakaupo sa silya sa mahabang oras.

Ang best feng shui headboards ay solid at yari sa kahoy, o upholstered ones, dahil ito ay may very good combination ng solido ngunit marahan at supporting feng shui energy para sa iyo at sa iyong bedroom.

*Good mattress. Maraming iba’t ibang klase ng mattress, pumili na magsusulong ng iyong mahimbing na pagtulog at relaxation. Kung gaano kahimbing ang inyong tulog, ganoon din magiging maganda ang inyong araw. Piliin ang mainam na kalidad ng feng shui energy at huwag bibili ng used mattresses, dahil hindi mo batid kung anong klaseng enerhiya ang naipon dito ng dating may-ari.

*Good height. Para sa balansed feng shui energy flow sa ilalim ng kama, kailangang sapat ang agwat nito sa floor level. Ang kama na may built-in drawers sa ilalim ay ikinokonsiderang bad feng shui.

Kailangan na makadaloy ang enerhiya sa paligid ng iyong katawan habang ikaw ay natutulog, at hindi ito magiging posible kung may nakaharang sa ilalim ng kama.

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …