Saturday , November 23 2024
black cat and glass of red wine

Amazing: Non-alcoholic wine para sa pusa patok sa US

MINSAN ba, habang ikaw ay umiinom ng alak sa inyong bahay ay naisip mong sana ay ma-enjoy rin ito ng alaga mong pusa.

Ngunit hindi maaari dahil ang alcohol ay mapanganib sa mga alagang hayop.

Gayonman, mayroon nang maaaring inomin ng pusa, ang Apollo Peak.

Ang Denver-based company ay gumagawa ng inomin na parang alak para sa mga pusa, ngunit medyo magkapareho ang mga sangkap nito.

Sa varities katulad ng Pinot Meow at MosCATo, ang Apollo Peak wine ay gawa sa organic catnip at tubig na kinulayan ng organic beet juice (ang “white” varieties ay kinulayan ng golden beets)

“It’s made like a tea,” pahayag ni Apollo Peak founder Brandon Zavala sa Huffington Post. “But since we got it to look so much like a wine, we want it to be perceived as a wine by the consumer — that way they can feel as though they are having a glass of wine with their pet.”

Sinimulan ni Zavala, na ipinangalan ang kanyang kompanya mula sa isa niyang alagang pusa, ang pagbebenta ng Apollo Peak noong Nobyembre.

“It’s kind of a weird story,” aniya. “It started out as a joke, slapping a label on a regular wine bottle.”

At naisip niyang maaaring ilang mga tao ang nagnanais na pagkalooban ang kanilang pusa ng inomin na halos katulad ng alak.

Siya ay nagsaliksik at pagkaraan ay nabatid na mayroon nang katulad na produkto, ang Nyan Nyan Nouveau, na naging viral news ilang taon na ang nakararaan.

Ngunit ang Nyan Nyan Nouveau ay may seryosong problema. Ito ay available lamang sa Japan. At higit sa lahat, ito ay gawa sa ubas, na maaaring makalason sa mga pusa.

Sa kabilang dako, idineklara ng ASPCA na ang beets ay hindi nakalalason sa mga pusa.

Sinabi ni Zavala, ang kanyang produkto ay aprubado ng local veterinarians.

“They’re totally cool with it,” aniya. “They love it.” Gayonman, dapat pa ring ipasuri ang pusa sa beterinaryo, lalo na kung ang hayop ay may dati nang problema.

“Beet juice is not toxic to kitties (or dogs for that matter), but as always check with your vet before giving something like this,”

pahayag ng veterinarian na si Katy Nelson ng The Pet Show, sa HuffPost.

“Beet juice has been known to change the color of urine, so especially for diabetic cats or kitties with urinary problems that you monitor their urine, it could cause false positives on their tests.”

Ang Apollo Peak “wine” ay available na sa local stores sa Colorado at sa online.

Idinagdag niyang malapit na ring magkaroon na rin ng CatConLa.

Gayonman, walang kasiguruhan na magugustuhan ito ng inyong mga pusa. Ang ilang mga pusa ay walang reaksyon sa catnip, kaya kung ganito ang inyong pusa, maaaring hindi ito magustuhan.

At hindi lahat ng pusa ay nagnanais ng karangyaan. Sa buhay. (THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *