Saturday , November 23 2024

ToFarm, gagawing mala-Hollywood

00 SHOWBIZ ms mISA ako sa humanga sa adhikain nina Dr. Milagros Ong-How at Direk Maryo J. Delos Reyes na tulungan ang mga magsasaka. At maisasagawa nila ito sa pamamagitan ng kanilang proyektong ToFarm Film Festival.

Ang ToFarm, na ang ibig sabihin ay To Search and Award for The Outstanding Farmers ay brainchild ni Dr. How, executive vice-president ng Universal Harvester Inc., ay naglalayon ding maitaas ang antas ng mga magsasaka.

“Ang dream ko ultimately is to be able to uplift the livelihood of the farmers throughout the country. To improve their yield, increase their income and let them earn more dignity,” ani Dr. How nang imbitahan niya kami noong Linggo ng hapon para mas mai-explain pang mabuti ang tunay nilang layunin sa pagtulong sa mga magsasaka.

“Maraming gustong tumulong sa kanila. It’s underway now and we have partnered with them. It will take a lot of my time, maliit lang ang grupo ko pero marami ang nagpapahayag na gustong tumulong,” pagbabalita pa ni Dr. How na Ambassador of the Philippines to the International Fertilizer Industry na gumawa ng paraan para mapababa ang presyo ng mga fertilizer na pinakikinabangan ngayon ng mga magsasaka.

Sa pakikipagkuwentuhan namin kay Dr. How, nasabi niyang malapit talaga ang puso niya sa mga magsasaka. At naikuwento nitong noong nabubuhay pa ang kanyang ina’y nais nitong magtanim o magsaka. “Magaling siyang magtanim na talagang nabubuhay ang mga punong itinatanim niya. May green thumb siya.”

Sinabi pa ni Dr. How na matagal na niyang gustong gawin ang ToFarm Film Festival. Matagal na rin niyang nai-conceptualize ang ukol sa proyektong ito kaya naman mahirap man ay naisakatuparan din nila.

“Ang aking pagmamahal sa magsasaka at ang kanilang kapakanan ay natural at bubunga ‘yan ng marami. Part lang ‘yan (ToFarm Filmfest) ng awareness na gusto ko i-bring out sa mga manonood.

“Gusto ko makita nila ang buhay ng mga magsasaka na minsan nalilimutan natin kung paano sila nagkakaroon ng kanilang kanin sa kanilang hapag-kainan,” sambit pa ni Dra. How na nag-aaral pa rin ngayon sa UPLB ng Agriculture in Soil Science para mas lalo pang matulungan ang mga magsasaka.

Sinabi na ni Dr. How na ganoon na lamang ang kanyang paghanga sa mga magsasaka na sa bawat pagtatanim na ginagawa’y may kasamang dedikasyon mula sa pagtatanim hanggang sa pag-ani.

Naikuwento pa ni Dr. How na matagal na niyang pangarap maging producer.”Itinatabi ko lang ‘yun. Noong na-site ko yung working with the farmers and my advocacy with the farmers madali siyang na- develop. ‘Yung movie production matagal ko nang plan wala lang akong chance to break.

“Pero I just want to clear na hindi ko ginamit ang aking exposure and relationship with the farmers. Nagkataon na rati ko itong dream at advocacy na pinagsama ko,” giit ni Dr. How na kasama sa pangarap niyang maging mala-Hollywood ang mga pelikulang isasali sa ToFarm Film Festival na magaganap na sa July 13-19 at mapapanood sa SM Megamall at SM North. Magkakaroon din ng screenings sa August 24-30 sa SM Cabanatuan at SM Pampanga; SM Cebu sa September 14-20; at sa SM Davao sa October 12-18.

Sinabi naman ni Direk Maryo na sa pagbubukas ng ToFarm FilmFest, isang classic film ang ipalalabas, ito ay ang Biyaya ng Lupa sa July 13, SM Megamall Cinema 7.

“Inimbitahan namin ang mga nagbida rito na sina Rosa Rosal, relatives ni Tony Santos Sr., Marita Zobel, Leroy Salvador na ire-represent nina Phillip at Jobelle Salvador.”

Sa July 19 naman magaganap ang awarding ceremony sa Fiesta Pavillion ng Manila Hotel.

TOFARM, ENTRIES MAY KALIDAD

“Matagal ko nang dream maging producer at the same time ‘yung pagtulong sa mga magsasaka. Gusto kong ilabas sa aking sarili to show something at dahil siguro mahilig ako sa movies, lumabas itong ToFarm. Marami kasing productions na magaganda ‘di ordinary. It’s an expression of life na you like to portray and to show to other people,” sambit pa ni Dra. How.

Ipinagmamalaki naman ni Dra. How ang anim na entries, ang Free Range ni Dennis Marasigan, Pauwi Na ni Paolo Villaluna, Paglipay ni Zig Dulay, Pitong Kabang Palay ni Maricel Cariaga, Kakampi ni Victor Acedillo Jr., at Pilapil ni Jose Johnny Nadela na magagandang pelikula.

“Mukhang okey and I’m happy. Thank you Mr. Maryo. I have so much to say with Mr. Mario. Pinagtagpo kami ng tadhana.”

Tiniyak din ni Dra. How na taon-taon magaganap ang ToFarm Filmfest. “It would be better every year. It’s just my first year. I want to say that everything I do, I do my best. Wala akong ginagawang hindi maganda, hindi naman yabang ‘yun, pero totoo lang.”

GOING MAINSTREAM

Hindi naman isinasantabi ni Dra. How ang planong mag-mainstream sa mga darating na taon.  “Its an introduction. I’d like to do that. I’d do much better than this one. In fact hindi naman ako, I just do this, hindi naman ako rin director, wala naman akong balak mag-direhe, iba na lang, mas magaling ako sa ganito (pagpaplano), iba na lang, magaling ako sa mga idea lang.”

Tiniyak din ni Dra. How na daragdagan pa nila ng ibang category ang ToFarm Filmfest sa pagdating ng araw. “Yes, documentary…in fact in our last meeting, magpapalabas kami sa mga probinsiya. Dadalhin naming ang theater sa mga bukid, sa gym. Siyempre, libre ‘yun with the cooperation with LGUs and cooperative.”

Sinabi naman ni Direk Maryo na, “this is the first year, first of it’s kind, because its about farming, agriculture, livestock raising and everything related. Pero hindi ganoon na boring ‘yung pelikula. You watched it and you will be amazed by the talent and artistry of our new film makers.”

Ito bale ang ikalawang pagkakataon na naging head ng festival si Direk, ang una ay ang Buhayani Festival sa Calamba.

“Siguro dahil sa experience ko na rin dahil nagpupunta ako festival abroad and experience sa pelikula na ang daming filmmakers who go abroad din. And I feel we can invite them here. Dra. How is very good with international relation kaya tamang-tama.”

Sinabi rin ni Direk Maryo na dadalhin nila abroad ang mga pelikulang kasali sa ToFarm para maisali sa ibang filmfest abroad.

Sa kabuuan, 69 entries ang lumahok sa ToFarm FilmFest. “Marami ang nag join at nabigyan ng  P1.5-M bilang seed money for their initial funding.

Iginiit naman ni Dra. How na, “Interesado ako hindi sa award kundi sa recognition na para maipakita namin ‘yung faith na makaalam ang tungkol sa kanila specially ang mga ordinary person na ‘yung buhay ng mga farmer. ‘Yung iba kasi hindi maintindihan ang buhay nila.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *