Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

EB, aminadong malamlam na ang AlDub

THE AlDub fans will kill us for this, pero unahin muna nilang iligpit ang Eat Bulaga sa pagsasabing aminado ang programa na malamlam na ang phenomenal TV loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Kung ‘yan ay nanggagaling na mismo sa palabas na nagsilang sa kanila almost a year ago—sa halip na ipagpilitan pa ring nasa on top of the world pa rin ang AlDub—the admission must be a fact na suportado ng ilang kadahilanan.

However, ang tambalan lang naman ang unti-unting nalalaos, at hindi (inuulit namin, hindi) ang mga lola ni Yaya Dub.

On top of their game pa rin sina Jose Manalo at Wally Bayola na obvious na sa kanila na lang naman nakaangkla maging ang buhay ng Eat Bulaga. Without the comic duo, we can imagine kung gaano maaapektuhan ang viewership ng EB.

Dapat nga sana’y “co-terminus” ng AlDub popularity ang kina Jose at Wally until their whole kalyeserye is wiped off, pero hindi. Maging ang mga karakter nina Jose at Wally—Duterte at Abunda, respectively—sa isang Sunday show ay kinakagat pa rin ng publiko.

This July ay mag-iisang taon na ang AlDub, quite a long period ng pagnamnam nila ng kasikatan kakambal ng maraming pinagkakitaan.

Pero ayon nga sa awitin ni Barbra Streisand, ” Some good things never last.”

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …