Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alessandra at Marc, ‘di raw magdyowa

SWEPT away. At may malalim na hugot pala ang bagong alaga ng Cornerstone na si Alessandra de Rossi.

Minsan na pala nitong binalak na mamahinga na muna sa telebisyon dahil na-typecast na siya sa paulit-ulit na lang na role ng kontrabidang itinotoka sa kanya. Patayin na lang daw siya. At wala na siyang madamang fulfillment at hindi na siya nai-inspire.

Pero sa pelikula sari-saring karakter na ang nagagampanan niya.

At minsang tinangka niyang maghain ng kanyang mga piyesa sa mga record companies na agad tinanggihan dahil hindi ‘yun ang tunog na hinahanap nila.

At madalas ang mga ganoong klase ng rejection pa nga ang sa kalaunan eh umaariba.

Sa idinireheng music video ni Meryl Soriano ni Alessandra featuring Marc Abaya, ginamit ito sa pelikulang Water Lemon  na-nominate pa ang musical scoring ng mahusay na aktres sa Urian!

Kaya paano pang aatras ang nasa direksiyon na ng pagiging isang recording artist na malapit ng ilabas ang album na may 15 kanta! In her words, the songs of her life!

Noon pa man, nakilala na namin si Alessandra sa personalidad niya bilang isang go getter!

Fierce!

There’s one thing though na nilinaw siya. Na hindi sila mag-dyowa ni Marc.

“Tinalunan na nga namin ‘yung level na magkaibigan. Dumiretso kami sa tratuhang magkapatid!”

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …