Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zanjoe, nanirahan sa kuweba

MEET the caveman. A father’s tale. Ito ang katauhang itinoka kay Zanjoe Marudo ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado (Hunyo 18) bilang amang mag-isang magtataguyod sa dalawang anak.

Gagampanan ni Zanjoe ang papel ng isang single father na palalakihin ang dalawang anak matapos iwan ng asawa sa Father’s Day special ngMMK na siya ring Father’s Day treat ng programang nagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo.

Dahil lumaki sa hirap, ipinangako ni Juan (Zanjoe) sa kanyang sarili na sa pagkakataong magka-anak siya ay gagawin niya ang lahat para pag-aralin ang mga ito.

Ngunit hindi naging madali ang lahat nang mapangasawa niya si Melissa (Dawn Chang) at nagkaroon ng dalawang anak. Hirap ang mag-asawang pagkasyahin ang kita ni Juan sa araw-araw nilang pangangailangan kung kaya’t napilitan si Melissa na maghanap ng trabaho sa malayong lugar.

Lumipas ang panahon at hindi na nagparamdam pa si Melissa sa mag-aama at napag-alaman na lamang ni Juan na may iba na pala itong kinakasama.

Halo-halong malas na ang dumating sa buhay ni Juan at winasak pa ng bagyo ang kanilang tahanan, kaya naman humantong siya sa desisyong manirahan silang mag-aama sa isang kuweba. Araw-araw ay apat na kilometro ang nilalakad ng kanyang mga anak para makarating sa eskuwelahan na inaasar pa ng kanilang mga kaklase dahil sa kanilang tirahan.

Saan dadalhin si Juan ng kanyang kahihiyan sa dinaranas ng mga anak? Matupad pa kaya niya ang pangako sa mga anak na bigyan sila ng magandang buhay?

Kasama sa upcoming episode ng MMK sina Xyriel Manabat, Louise Abuel, Alfonso Yñigo Delen, Karla Pambid, Tess Antonio, Justin Cuyugan, at Lemuel Pelayo. Ang episode ay sa ilalim ng direksiyon niNuel C. Naval at panulat nina Jimuel Dela Cruz at Arah Jell Badayos. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Samahan ang MMK sa paggawa ng mas maganda pang mga alaala sa ika-25 anibersaryo nito at bisitahin ang mmk.abs-cbn.com. Huwag din itong palampasin tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa  iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Para nga sa host nito na si Ms. Charo Santos-Concio, ang mga istoryang natutulikap ng MMK team sa pagdayo nila sa iba’t ibang panig ng bansa eh, itinuturing nilang humbling experience gaya ng napiling kuwento ng “caveman”.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …