Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Annabelle, nang-aaway na naman?

VISIBLE na naman si Annabelle Rama sa social media, pero ‘yun ay kung paniniwalaan na siya ang nagmamay-ari ng Instagram account sa kanyang pangalan with matching picture niya.

Ang sentro ngayon ng pang-aalipusta ng feisty showbiz mom ay ang GMAreporter na si Mariz Umali na kamakailan ay biktima umano ng cat-calling o wolf-whistling ni President-elect Digong Duterte.

Tita A has called Mariz all sorts of names, even saying na ang arte-arte raw nito since after the incident ay umalma na rin ang mister nitong siRaffy Tima.

Here’s hoping na isang impostor ang nasa likod ng IG account na ‘yon at hindi ang tunay na Annabelle Rama ng showbiz.

Unang-una, babae rin si Tita A tulad ni Mariz. At kung matatandaan, inalmahan na rin niya noon ang umano’y ginawang pambabastos sa kanya ng isang mayor sa isang hotel.

Pangalawa, may anak na babae si Tita A, si Ruffa Gutierrez, na lagi niyang ipinagtatanggol sa mga naging nobyo at dating asawa on issues na may kinalaman sa kawalan ng respeto.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …