Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Team Yey, 1st locally produced kids show sa digital free TV

00 SHOWBIZ ms mINTERESTING itong bagong show na inilunsad ng ABS-CBN sa pamamagitan ng kanilang ABS-CBN TVplus, ang Team Yey na naglalayong mas maging masaya at exciting ang panonood ng mga bata .

Imagine, pawang mga nakaaaliw na activity tulad ng dancing, food preparation, arts and crafts, sports, storytelling, music, at daring challenges ang mga tampok sa kauna-unahang locally produced kid’s show sa digital free TV. Ito’y pang-kiddie barkada na handang-handang ibahagi ang kanilang talent sa mga tulad nilang bata rin tuwing araw.

“Gusto naming ma-enjoy ng kids ang kanilang experiences bilang bata. Hinihimok namin sila na gawing katuwaan lang ang napakaraming posibilidad na puwede silang mag-excel, kaya tampok sa show ang samo’tsaring activities na ipakikilala ng kapwa nila bata,” ani Danie Sedilla-Cruz, channel head ng Yey.

Kaya mga bata, tutok na araw-araw dahil kapag Lunes, sayawan ang ipakikita sa Galaw Gokasama ang Dance Kids finalist na si AJ Urquia na siyempre pa, magpapakita ng mga cool dance moves tulad ng hip-hop at folk dance na makatutulong para maging expressive ang mga bata gamit ang pagsasayaw at mas maging physically active.

Siksik naman sa masasarap na pagkain ang bawat Martes sa Snacks Naman na pangungunahan ng Goin’ Bulilit star na si Mitch Naco. Rito’y ipakikita ni Naco kung paano maghanda ng masasarap na kiddie meals at baon. Siyempre pa, hindi lang basta paghahanda iyon, may kasamang creativeness ng desserts, drinks, at snacks para ipakita sa mga bata na masaya ang paghahanda ng sariling snacks.

Sining naman ang bida tuwing Miyerkoles kasama ang budding artist at child actress na si Hannah Vito sa Artstig na gagawa siya ng mga magagandang bagay mula sa iilang tipikal na bagay para ipakita kung ano ang kayang gawin ng bata gamit ang kanilang imahinasyon.

Maaksiyon naman ang Huwebes sa Game? Play! ng batam-batang athlete at blogger na si Sam Shoaf. Tampok sa show ang ilang sports na kayang-kayang laruin tulad ng basketball at traditional Filipino games tulad ng takip-silim para ipaalala sa mga kabataan na masaya rin maglaro ng games na hindi makikita sa gadgets.

At tuwing Biyernes, mga kuwentong kapupulutan ng aral naman ang ibabahagi ng child storyteller at commercial model na si Raven Cajuguiran sa Storyey. Dito, naman isasalaysay ni Cajuguiran ang mga makabuluhang kuwento na may kasamang mini theater presentation or simpleng animation.

Music naman tema tuwing Sabado kasama ang The Voice Kids Season 1 contestant na si Luke Alford na magpapahalaga kung paano nagbibigay ng inspirasyon ang musika sa ating buhay.

At oagdating ng Linggo, haharapin ng Team Yey kiddie barkada ang dares at challenges na magpapalakas sa kanilang loob para hindi matakot subukin ang mga bagong bagay.

O ‘di ba, nakatutuwa! Nag-enjoy ka na, natuto ka pa.  Kaya ugaliing maging barkada ang mga bagong kiddie na nina AJ, Mitch, Hannah, Sam, Raven, at Luke sa panonood ng Team Yey simula sa Linggo, Hunyo 19, 8:30 a.m. at 2:20 p.m. na may replays bawat araw tuwing 9:40 p.m.. Mapapanood ang Team Yey Lunes hanggang Biyernes, 8:30 a.m. at 4:20 p.m., habang mapapanood naman ito tuwing weekend, 8:30 a.m. at 2:20 p.m. sa Yey!

Actually, hindi lang pambata itong Team Yey dahil for sure kahit mga mommy, marami ring matututuhan. Libre ang channel na ito na ekslusibong mapapanood sa Yey Channel sa digital TV gamit ang ABS-CBN TVplus.

Available ang ABS-CBN TVplus sa GMA, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Benguet, Metro Cebu, Davao City, at Cagayan de Oro. Mapapanood din ito sa cable (SKYcable at Destiny Cable) pati na sa direct-to-home o satellite TV (SKYdirect).

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …