Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-movie bonding kasama ang Padre de Familia ngayong Father’s Day sa KBO ng ABS-CBN TVplus

00 SHOWBIZ ms mTAMANG-TAMA ang tampok na pelikula sa KBO ng ABS-CBN TV Plus ngayong weekend dahil perfect ito para maki-bonding sa mga tatay. Isang Father’s Day movie kasi ang tampok, ang Padre de Familia.

Nakaaantig na kuwento ang hatid Padre de Familia na kuwento ng mag-inang Aida (Nora Aunor) at Noel (Coco Martin) na parehong pinunan ang responsibilidad ng isang ama matapos silang iwan nito para magtrabaho sa ibang bansa.

Biruin n’yo sa halagang P30, mapapanod na sa Hunyo 18 at 19 ang mga naggagandahang pelikula tulad ng Padre de Familia, at iba pang blockbusters movie tulad ng She’s Dating The Gangster, Beauty In A Bottle, at ang Hollywood movie na Passengers. May kalakip pang catch-up marathon ng nakaligtaang episodes ng Dolce Amore sa KBO.

At para todo-todo ang bonding ngayong Sabado at Linggo, mag-load lamang ng P30 sa inyong ABS-CBNmobile prepaid SIM at gamitin ito upang mag-register by texting KBO30 <SPACE> JUNE18 <SPACE> TVplus box ID at i-send sa 2131. I-press lamang ang INFO button sa TVplus remote control para malaman ang seven-character TVplus box ID.

I-activate ang KBO sa 7th channel ng TVplus by pressing the SCAN button sa TVplus remote control. Para sa remote control na walang SCAN button, i-press lamang ang MAIL button. Makikita ang KBO artcard sa 7th channel pagkatapos mag-scan.

Good news din ang hatid ng ABS-CBN TVplus dahil ang lahat ng bibili ng ‘mahiwagang black box’ ngayong Hunyo ay may kasamang one month free trial ng KBO. Para mag-subscribe sa free trial, i-text ang FREEKBO <TVplus Box ID> to 2131 gamit ang ABS-CBNmobile prepaid SIM.

Ang Kapamilya Box Office (KBO) ang pinakabagong feature ng ABS-CBN TVplus na nagdaragdag ng saya sa weekend bonding ng pamilya sa commercial-free movie marathons na ipinalalabas dito sa halagang P30. Maaari ring mapanood sa iWant TV ng ABS-CBNmobile ang mga palabas sa KBO.

Sa mga TVplus users naman na wala pang ABS-CBNmobile prepaid SIM, maaring bumili ng nito sa halagang P30 sa SM store and 7-Eleven branches, telco tiangges, or text  SIM DELIVERY to 23661.

Makabibili naman ng ABS-CBN TVplus boxes na may kasama ng ABS-CBNmobile prepaid SIM sa lahat ng accredited retail outlets, sales agents, at dealers sa abot-kayang one-time payment na P1,999.

Samantala, makakabili ng load para sa ABS-CBNmobile SIM sa  SM Store, SM Savemore, 7-Eleven, Cebuana Lhuillier, Generika at sari-sari stores or telco tiangges na may autoload max.

Mapapanood ang Kapamilya Box Office ng ABS-CBN TVplus sa GMA, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Benguet, Metro Cebu, Davao City, at Cagayan De Oro.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …