Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boy George and Culture Club: Live In Manila, mala-Thrilla In Manila raw

00 SHOWBIZ ms m“We will try to stage our own version of  Thrilla in Manila’” giit nina Boy George at Culture Club kahapon sa presscon nila sa Novotel para sa kanilang Boy George and Culture Club: Live In Manila! concert na gaganapin sa Sabado, June 18 sa Araneta Coliseum.

Hindi nga maitago ang excitement ng grupo lalo na si Boy George lalo’t matagumpay din ang isinagawa nilang concert sa Australia.

Ang Boy George and Culture Club: Live In Manila ay parte rin ng 40-city tour kasama na ang sa Australia gayundin ang sa US, Mexico, Japan, at iba pang lugar.

Actually, ito ang ikadalawang beses na pagtungo ni Boy George sa ‘Pinas. Subalit iginigiit niyang, “This is my first time in the Philippines. That was not me!

That was the other guy. That was the impostor,” nangingiti nitong sabi siguro’y dahil solo siyang nagtungo noon at ‘di kasama ang kanyang grupo.

“This is the most important this show,” giit muli ni Boy George bagamat aminadong hindi pa raw s’ya nakalilibot sa ibang lugar sa Manila simula noong dumating siya ng Miyerkoles ng gabi.

“I haven’t been outside yet and I’ve reserve my excitement for the show…you dont know what to expect. Very good looking people,” sambit pa niya.

Anyway, ang Boy George Live In Manila ay handog sa atin ng Royale Chimes Concerts and Events Inc na may suporta ng Manco, Novotel Manila, Araneta Center at iba pa. Mabibili ang ticket sa Ticketnet 9115555 o mag log on lamang sawww.ticketnet.com.ph

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …