SA hirap ng paghihiwalay ng medisina at teknolohiya at gayon din sa pagitan ng science fiction at tunay na siyensiya, nagbunsod ng excitement ang bagong inobasyon sa Tokyo sa mga medical professional sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Kamakailan, nakalikha si Takao Someya, isang siyentista sa University of Tokyo, ng masasabing bionic skin, o isang e-skin, na inaasahang makapagre-revolutionize sa larangan ng medisina.
Kayang makapagbigay ng mga level ng sensitivity na hindi pa nakakamit kaugnay ng sense of touch, naniniwala si Someya na ang bagong balat ay makatutulong sa mga doktor na maramdaman ang malinggit na tumor na dati’y napakahirap ma-detect kung walang scan o surgery.
Ideally, iniisip niyang isusuot ang kanyang imbensiyon sa isang guwantes, o dili kaya naka-tattoo sa katawan o nakahabi sa damit, na sa alin mang paraan ay makatutulong para mai-monitor ang vital signs o i-predict ang mga karamdaman na hindi nagagawa dati.
Kaya narito ngayon tayo, taon 2016, mayroong tunay na posibilidad na magkaroon ng bionic skin na may malawak na hanay ng iba’t ibang aplikasyon.
Umaasa si Someya na magagawa nitong i-monitor ang oxygen levels ng pasyente habang nasa operasyon.
Kinalap ni Tracy Cabrera