DOSE-DOSENANG species ng isda ang naglaho na o malapit nang maubos sanhi ng patuloy na pangingisda sa sa karagatan ng Filipinas, partikular na West Philippine o South China Sea.
Fishermen reported that 59 coral reef species had gone missing from catches since the 1950s,
Batay sa pag-aaral na isinagawa ng Haribon, isa sa pinakamatagal na conservation group sa bansa, at Newcastle University ng Britanya, nawawala na ang 59 coral reef species ng mga isda dahil sa patuloy na pangingisda na nagsimula pa noong 1950s.
“Overfishing to meet the demands of a fast-growing population and Chinese restaurants around the region was a key factor in the decline,” punto ni Haribon marine biologist Gregorio Dela Rosa.
“These species are usually served in restaurants, swimming around in aquariums. They command a high price. If you have lots of mouths to feed, you need lots of fish to catch,” dagdag niya.
“It has a very big impact because most of our fish are exported to China, also Singapore and Hong Kong. The groupers are highly priced, especially the red ones which are in demand in Chinese wedding (receptions),” sabi ng siyentista.
Bukod sa labis na pangigisda, napag-alaman nakadaragdag din sa lumalalang problema ang patuloy na paggamit ng dinamita at cyanide sa pangingisda kaya paunti nang paunti ang makikitang mga isda sa karagatan.
Ang Filipinas ay bahagi ng tinaguriang Coral Triangle, na bahagi ng karagatan na sumasakop sa Indonesia, Papua New Guinea, Malaysia, Timor Leste at Solomon Islands na kilala bilang sentro ng global marine biodiversity.
Kinalap ni Tracy Cabrera