Friday , November 15 2024

Maging vigilant vs droga para ‘di magsisihan

SINO ba ang dapat na sisihin sa nangyaring trahedya sa summer concert sa Pasay City nitong Mayo 21?

Lima sa libo-libong concert goers ang namatay.

Ayon  sa National Bureau of  Investigation (NBI), ilegal na droga ang posibleng sanhi ng pagkamatay ng lima. Hindi naman sang-ayon ang mga magulang ng ilan sa biktima.

Ikinonsidera ng NBI na malamang nakapasok ang tulak sa concert area at nakapagbenta ng table-tabletang droga sa loob.

Dahil sa NBI findings, nauso ang turuan – kesyo naging maluwag ang event organizer; kesyo naging mahina ang PNP lalo na ang Pasay police sa pagbabantay.

Katunayan, maging si incoming president Rodrigo Duterte ay nagsabing naging iresponsable ang Pasay police  – mahina raw ang kanilang intelligence.

Pinabulaanan naman nila ito, kasabay ng katuwirang hindi sila pinayagan ng organizer na makapasok sa concert area.

Sa congressional hearing, maraming suhestiyon ang lumabas para masawata ang droga kapag mayroong concert.

Nariyan ang parental guidance; dagdagan ang security; doblehin ang kampanya laban sa imported illegal drug para hindi makapuslit sa bansa.

Pero sino nga ba ang may pagkukulang sa nangyaring trahedya? Ang event organizer ba dahil ang mga biktima ay namatay loob ng concert area?

O sige ipagpalagay natin na noong konsiyerto ay ipinatupad ang mahigpit na pagbabantay. Sa palagay kaya ninyo, hindi makalulusot ang droga sa loob?

‘Ika nga, gagawin ng isang tulak ang lahat na paraan para makapagpuslit at makapagbenta ng droga.

Kaya kahit na anong higpit na pagbabantay ang gagawin, tiyak na makapagpupuslit pa rin ang mga tulak.

Bukod dito, ang drogang tabletas na nakapuslit ay mukhang bitamina lang  kaya, kapag bobo ang mga bantay, lusot ang droga.

Ang malas nga lang, may namatay sa Pasay concert kaya nagkabukingan pero kung walang namatay, masasabi nga bang walang drogang nakalusot sa concert area?

Iyong ibang concerts na walang namatay, sa palagay kaya ninyo walang drogang nakalusot.

Imposible!

Event’s organizer ba ang dapat na sisihin sa trahedya sa Pasay concert? Wala kasing ipinagkaiba ito sa posibleng nangyari sa loob ng isang mall.

Halimbawa, inatake sa puso ang isang mall goer at lumabas na overdose sa medicine ang ikinamatay, ibig bang sabihin nito ay may pananagutan dito ang pamunuan ng mall? Labo yata.

Ano pa man, nahuli naman sa drug operation si Joshua Habalo, ang sinasabing tulak sa Pasay event pero, may posibilidad na basura ang kaso laban sa kanya dahil ang mga drogang nakuha sa kanya ay hindi kabilang sa exhaustive list of dangerous drugs sa ilalim ng  R.A. No. 9165, the Dangerous Drugs Act, and related regulations from the Dangerous Drugs Board.

Kaya para hindi na maulit ang lahat, para hindi na makapuslit ang droga, kinakailangan ang lahat ay maging responsable, maging vigilant hindi lamang sa bahagi ng security personnel kundi maging event-goers at higit sa lahat tayong  mga magulang – huwag magkulang sa babala at payo sa ating mga anak na mahilig manood ng concert o sa ano man okasyon na puntahan.

Ipaalalang hindi kailangan ng droga sa pakikinig ng musika.

Kaya bilang mamamayan, gawin natin ang ating responsibilidad sa pagsugpo ng droga para hindi na tayo magsisihan pa, magturuan pa. Kapag ang lahat ay kumilos, malamang mawawakasan na, masasawata pa  o hindi na mauulit ang  trahedyang Pasay concert,  na hindi lang naman ngayon nangyari sa bansa.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *