Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Keanna, pagod nang ‘sumuporta’ sa mga bata

KEANNA Reeks…. Of so much inis sa isang Prince Estefan na nauna pa raw naghain ng reklamo over the radio samantalang kung tutuusin si Keanna Reeves ang dapat na hingan nito ng paumanhin sa hindi pag-aasikaso sa kanya nang magtungo sila sa Korea kamakailan para mag-show.

Hindi naman daw ugali ni Keana ang magpaka-diva o maging demanding. Hindi lang daw niya nagustuhan ang verbal abuse na inabot niya rito sa pagkatao niya. Kaya kinuha muna niya ang sasabihin ng kanyang abogado bago siya tuluyang nagsalita. At tinuldukan na ito m0i Keana by saying na walang pag-aayos na magaganap sa kanila ng kanyang inirereklamo!

Wala raw karapatan itong si Prince na uriin siya sa anumang paraan!

Tungkol naman sa muling pagbuhay sa mga pangalan ng mga lalaking nagkaroon ng kaugnayan sa kanya na isa-isa niyang nailarawan, natatawa na nga lang daw siya kasi matagal ng tapos at napag-usapan naman ‘yun.

Sa iisa lang siya nagpapasalamat. Kay Joseph Bitangcol na binalewala lang ito at biniro pa ang sobra raw niya kasing pagiging totoo.

Sa ngayon ayaw na nga raw muna niyang mag-love life. Pagod na raw siya sa pagsuporta lalo na sa mga bata. Na sa kalaunan naman eh, nangangawala rin. Kaya ang nais niya eh, makabalik sa pag-arte!

( PILAR MATEO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …