Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

33 dilag, maglalaban-laban sa Miss Manila 2016

00 SHOWBIZ ms mTATLUMPU’T TATLONG naggagandahang dilag ang rumampa at humarap sa media kahapon ng hapon para sa Miss Manila 2016 sa Diamond Hotel.

Ang 33 kandidata ay ipinakilala ng ama ng Maynila na si President-Mayor Joseph Estrada at ng big boss ng VivaEntertainment, na si Vic del Rosario. Ang City of Manila at MARE Foundation sa pakikipagtulungan ng Viva Live ang magkatulong para sa muling pagpuputong ng korona sa susunod na Miss Manila.

Tatlong taon na ang Miss Manila na hindi lamang naghahanap ng magagandang babae kundi iyon ding woman of empowerment, personifies social awareness, at nagpapakita ng true Manilena na may grace, passion, at optimism.

Ang 33 Manilena beauties na maglalaban-laban ay kinabibilangan nina Aya Frances Cruz, Cristelle Tolentino, Ganiel Akrisha Krishnan, Tenth-ten Rhea Doringo, Paola Bianca Bagaforo, Angela Beatrice Cecilio, Mikaela Mendez, Mabel Verceles, Julyan Jazmine Leonida, Justiene Ortega, Mae Kimberly de Luna, Meiji Cruz, Roselyn Evardo, Sarah Margarette Josos, Janette Roanne Sturm, Hannah Bithjah Merino, Anne Krishua Antonio, Mercegrace Raquel, Mehwish de Castro, Chantal Roi Serafica, Mary Rose Cajayon, Joanna Marie Rabe, Ruyeth Ann Mariano, Ruth Sabrina Linganay, Abegail Castor, Allana Coronel, Shenna Mae Zaldivar, Kristel Guelos, Marvelyn Talha, Lhorden Joy Trimor, Mecelle Clarice Silva, Feonna May Alloso, at Ramona Yamat.

Gaganapin ang Grand Coronation Night sa Araw ng Maynila sa June 24, 7:00 p.m. sa Philippine International Convention Center (PICC) na mapapanood (delayed telecast) sa TV5 at iho-host nina Edu Manzano at KC Concepcion.

Ang kikitain ng pageant sa taong ito ay ipagkakaloob sa MARE Foundation, isang non-profit institution na pinamumunuan ng Chairperson at Project Director nito na si Ms. Jackie Ejercito.

Magkakamit ng P500,000 at kontrata sa Viva ang tatanghaling Miss Manila 2016 at magri-represent sa City of Manila sa iba’t ibang functions at events.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …