Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael, suki na sa mga foreign show

INDEPENDENT life.

Ito ang ini-enjoy ng singer-actor na si Michael Pangilinan kahit pa may nagbibigay inspirasyon na sa kanya, ang anak na si Ezequiel at girlfriend na si Garrie Concepcion.

Malaya pa rin naman si Michael sa pagdedesisyon sa mga bagay lalo na kung may kinalaman ito sa kanyang propesyon.

Kaya noong Araw ng Kalayaan, nakalipad sa Taichung, Taiwan si Michael kasama ang manager na si Jobert Sucaldito at sumalang sa show na hinost ni Papa Ahwel Paz sa paanyaya ni Fr. Joy Tajonera.

Si Michael ang naanyayahan para haranahin ang mga kandidata sa Mr. And Ms. Philippines-Taiwan sa TADA Concert Hall.

Tuwang-tuwa naman si Michael dahil sa mainit na pagtanggap ng mga kababayan natin sa kanya at hindi sila nahirapan para makapag-ikot sa mga tourist spot sa nasabing bayan.

Mukhang kina-capture ni Michael ngayon ang foreign shows sa mga paanyaya sa kanyang kaliwa’t kanan. And next weekend, he will be in Japan naman para magpasaya pa rin sa ating mga kababayan. Bandang end of the year pa ang kanyang US and Europe shows.

At sa bawat buka ng bibig niya sa paghagod sa mga kantang ibinabahagi sa kanyang audience mukha ng kanyang anak ang nagtutulak kay Michael para magpursige sa karerang inaalagaan.

And love will always find a way at the right time!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …