Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magandang Buhay, pinag-uusapan at kinagigiliwang morning show

00 SHOWBIZ ms mTUWANG-TUWA sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal dahil walang dudang ang kanilang morning show na Magandang Buhay ang pinag-uusapan at kinagigiliwan ngayon sa Philippine television.

Paano naman two months pa lang silang umeere pero marami nang celebrity guests ang napanood buukod pa na sa araw-araw ay nagti-trend ang bawat episode nila at nagtatala ng matataas na ratings.

Ilan nga sa pinag-usapang episode ng Magandang Buhay ay iyong first time na napanood si KC Concepcion kasama ang mga kapatid na sina Miel, Frankie and Miguel. Nakita sa episode na iyon ang other side ni KC bilang ate na iniidolo ng kanyang mga kapatid.

Sa Magandang Buhay din unang napanood sina Billy Crawford at Coleen Garcia na nagkuwento ng kanilang lovestory at mga plano sa buhay. Dito rin nagsimula ang kinakikiligang loveteam na KarJo nina Karla at daddy ni Coleen na si Jose na nauwi sa isang movie date.

Hindi lang mga artista ang nakakukuha ng mataas na ratings, kahit ang episode nina Senator Sonny Angara at bagong Senador Joel Villanueva kasama ang kani-kanilang pamilya ay nakapagtala ng mataas na ratings. Sa episode na ito naman nabuo ang KarWin loveteam nina Karla  at Win Gatchalian.

First time ring nakita ng tao ang guwapong binatang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan na si Donny. Marami ang nagsabi na isang potential star ang bata. Nag-top trending sa Twitter ang episode na ‘yon.

“Nakatutuwa lang ‘yung feedback na nakukuha namin, na after their guesting, nagpapasalamat sila dahil ‘yung other side nila eh, nakita ng tao,” ani Jolina=.

Next week ay papasok na ang Magandang Buhay sa kanilang 2nd monthsary. Isang pasabog at exciting na line-up of guests and topics ang nakahanda sa mga viewer ng number one morning show ngayon.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …